Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mamba humingi ka ng tawad sa mga pananalita laban sa Muslim — Hataman  

DESMAYADO si Basilan Rep. Mujiv Hataman sa mga pananalita ni Cagayan Gov. Manuel Mamba na nakasasakit sa mga Muslim.

Ayon kay Hataman, bukod sa paumanhin na inilabas ng public information office ng lalawigan, kinakaikangang humingi ng tawad mismo si Mamba hindi lamang sa mga Muslim sa kanyang nasasakupan kung hindi sa lahat ng Muslim sa buong mundo.

“Although an apology was issued by the province’s information office on the governor’s behalf, I feel that an explanation must come from him directly in order to clarify his comments, which may be construed as an affront to Muslims everywhere. It sets us back a long way in our struggle to root out discrimination that is deeply rooted in our culture,” ani Hataman.

“Malapit na kaibigan po namin si Gov. Mamba, at nakasama ko siya sa Kamara ilang Kongreso na ang nakaraan. Not just a friend, but he is more like a brother to me. Hindi ko siya nakilala bilang isang tao na may paniniwalang anti-Muslim. While I was contemplating on how to react to his statements, I felt that his words may have been taken out of context, or he was unable to use the right terms during the Senate hearing,” ayon kay Hataman.

Aniya, insulto sa mga Muslim ang ‘slip of the tongue’ ni Mamba.

Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni Mamba na tahimik ang Cagayan dahil walang Muslim doon.

“This is the reason I encourage my good friend to explain the matter himself personally. Mas mainam po siguro ang personal na paliwanag galing mismo sa kanya, upang mas madaling maunawaan ng publiko ang hindi pagkakaintindihan. Dahil ako ay kombinsido na hindi ito sinasadya ni Gov. Mamba kundi simpleng slip of the tongue lamang. Mismong mga kapatid nating Muslim sa Cagayan ang nagpapatunay nito,” anang kongresista.

Nananawagan si Hataman na isantabi ang diskriminasyon sa lipunan.

“Dekada na po ang pakikibakang ito, at marami na tayong mga tagumpay na nakamit. Ngunit wala pa tayo doon. Nawa’y patuloy lang ang ating pag-usad hanggang makarating sa gusto nating puntahan: isang lipunan na pantay-pantay ang tingin sa bawat mamamayan,” aniya. (GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …