Saturday , November 16 2024

Loyalty check ikinairita ni Pulong (Mas piniling magbitiw)

HINDI maliit na bagay para kay Davao Rep at Presidential Son Paolo “Pulong” Duterte ang ginawang isyung loyalty check sa kanya ng ilang mga kaalyado sa House Majority kaya naman imbes manatili sa puwesto ay nagdesisyon siyang magbitiw bilang Chairman ng House Committee on Accounts, ang puwestong ibinigay sa kanya ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco nang maupo bilang House Speaker.

Noong nakaraang Linggo pa maugong na nagpaalam si Pulong kay Velasco na iiwan ang makapangyarihang komite ngunit patuloy umanong hinihilot ng mga kaalyado ni Velasco ang galit ng mambabatas.

Sa sesyon noong Lunes sa Kamara, 23 Nobyembre, nag-abang din ang mga nagkokober na reporters sa kumalat na impormasyon na ihahayag ni Pulong sa Plenary ang kanyang pagbibitiw ngunit hindi nangyari, ayon sa isang kongresista na ayaw magpabanggit ng pangalan.

Ayon pa sa ulat, tinatanggihan umano ni Velasco ang pagbibitiw ng una.

Ang desisyon ni Pulong na iwan ang Accounts Committee ay resulta ng kontrobersiyal na eksena sa selebrasyon ng kaarawan ni Velasco noong 9 Nobyembre, na sinabihan siya ni AAMBIS-OWA Partylist Rep, Sharon Garin sa harap ng mga kaalyado nila na “hindi ka naman bomoto kay Velasco pero nagkaroon ka ng puwesto,” ang insidente ay humantong sa komosyon at awatan.

Hindi nagustohan ni Pulong ang biro at sa nag-viral na viber message na ipinadala niya sa mga kongresista ay sinabi niyang didistansiya na siya sa ruling majority matapos makuwestiyon ang kanyang loyalty.

Ang itinuturing nitong pagdistansiya ay ang pagbitiw nga sa posisyon.

Ibinunyag ng source, para hilutin si Pulong ay itinalaga ni Velasco ang malapit niyang kaibigan na si House Committee on Appropriations Chairman at caretaker rin ng Benguet na si ACT CIS Partylist Rep. Eric Yap  na maging Vice Chairman ng House Committee on Accounts.

Ang House Committee on Accounts ay itinuturing na ‘plum’ position sa Kamara, ang nasabing panel ang enkargado sa internal budget ng chamber kaya tanging ang pinagkakatiwalaan at handpicked ng Speaker ang itinatalaga rito.

Matatandaan, sa term sharing agreement sa Speakership sa pagitan nina Velasco at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ay ito lamang ang tanging leadership post na kanilang napagkasunduang papalitan.

Aminado ang ilang mambabatas na kung tuluyang didistansiya si Pulong sa Mayorya sa Kamara ay katumbas na rin ng pagkawala ng suporta ng administrasyon.

Nabatid, bigo rin si Velasco na makuha ang suporta ng Nacionalista Party (NP) sa Kamara nang tanggihan ni Las Piñas Rep. Camille Villar ang alok nitong posisyon bilang Deputy Speaker, ang bilyonaryong si dating Sen. Manny Villar ang Pangulo ng NP.

Tahimik at tumangging magbigay ng komento si Velasco sa silent war sa pagitan ng kanyang mga kaalyado gayondin, gaya ng kanyang katahimikan sa mga naging expose ni Sen Panfilo Lacson na nagdedetalye sa ginawang budget insertions sa 2021 national budget ng Kamara na nangyari nang mapalitan ang House leadership

“Pagpalit ng liderato, napansin namin, halimbawa sa NEP (National Expenditure Program), ‘yung isang distrito nasa P9 bilyon. Siguro medyo matibay ‘yung distrito na ‘yun, paglabas ng GAB, under the new leadership, umabot ng P15 billion. Merong distrito rin na nasa P4 or P5 billion, paglabas ng GAB, nadagdagan pa ulit ng another P4 or P5 billion, naging halos P8 billion na. So nakagugulat talaga,” nauna nang pahayag ni Lacson.

Ilan sa tinukoy ni Lacson na may malaking infrastructure budget ay isang distrtito sa Davao na may P15.351-B budget; sa Albay ay P7.5-B, sa Benguet ay P7.9-B habang sa Abra ay P3.75-B.

Hindi tinukoy ni Lacson ang mga partikular na distrito ngunit isa sa may hawak ng Distrito sa Davao ay si Pulong, sa 2nd District ng Albay ay si Joey Salceda,  sa Abra ay si Lone Distrct Rep. Joseph Bernos habang caretaker sa Benguet si Yap.

Ayon sa isang political analyst na si Vic Endriga, kung hindi mapagkakaisa ni Velasco ang Kamara ay namumuro na ang “coup” at isa sa nais iupo ng mga mambabatas ay si House Majority Leader at president ng Lakas-NUCD Martin Romualdez o si NUP President at Dasmariñas Rep Elpidio Barzaga, marami rin mga netizen ang nagbanggit sa pangalan ni Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta na maaaring humalili sa puwesto.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *