FIRST time in history na magkakaroon ng Christmas teleserye ang TV5, ang Paano ang Pasko, kaya excited ang IdeaFirst producers na sina Direk Jun Robles Lana at Perci Intalan dahil sila ang pinakiusapang gumawa nito ng Cignal head channel na si Ms Sienna Olazo.
Kuwento ni Direk Perci, “Gusto kong bigyan ng credit ang TV5 and Cignal because sila ‘yung nagsabi sa akin na ang pagkakasabi sa akin ni Ms. Shen Olazo (Cignal head channel), ‘alam ko malapit na ang Pasko, kaya mo bang bumuo ng soap?’ Punta kaagad ako kay Jun, kaya ba nating bumuo ng soap? September na, ber months na! Kumakanta na si Jose Mari Chan, sisimulan palang natin ang script. But honestly, it’s the kind of faith and kind of challenge that drive us, so I’m really grateful that they (TV5) took a chance.”
Gagawa rin ng Christmas ID ang TV5 pero hindi na sina direk Perci ang naka-toka roon, “mayroong inihahanda ang marketing.”
Going back to Paano ang Pasko, natanong namin kung bakit niya napiling si Jona ang kumanta ng themesong na Pasko Na Sinta Ko sa virtual presscon ng nasabing serye.
Sabi ni direk Jun, “Well, we needed ang anchor, eh. We needed a song that will encapsulate ng emotions na gustong iparating ng kuwentong ito. It’s to celebrate Christmas but at the same time may poignancy, kaunting lungkot because of what we all going through you know, this is a story about family na matagal nagkahiwalay and now during the pandemic, they are forced to meet together, they’re isolated. Pre-pandemic palagay ko karamihan sa atin we never had really that much time with our family and then when the pandemic happened, nakuha natin lahat ng oras na gusto nating makasama.
“Many struggles sometimes when you’re all together hindi lang naman kayo magiging close pero you are forced to confront your issues, your problems and everything, so we needed that kind of song that will encapsulates all of that perfect talaga ‘yung song.
“Napanood ko na ‘yung pilot kaninang 6AM, I would like to congratulate everyone, mga direk, ang gagaling. It’s such a beautiful pilot, I’m so excited na mapanood ito ng mga tao, gising na gising ako kaninang 6AM, kino-congratulate ko ‘yung mga tao.
“’Yung lang naman ‘yun, kailangan mo ng isang kanta na tatagos at mararamdaman mo ang mga tao.”
Sa direct message namin kay direk Perci ay nagustuhan ni direk Jun ang version ni Jona na orihinal na kanta ni Gary Valenciano.
“Alam mo gusto talaga namin from the start na si Jona ang kumanta. May nakita yata si Jun na performance niya ng ‘Pasko Na Sinta Ko’ sa YouTube at sobrang nadala siya na napaka/emotional ng pagkanta niya,” sambit sa amin.
Ang buong cast ng Paano ang Pasko ay sina Beauty Gonzales, Maricel Laxa, Julia Clarete, Ejay Falcon, Matt Evans, Danita Paner, Danita Paner, Justine Buenaflor, John Lapuz, Cedric Juan, Devon Seron, at Elijah Canlas. Ang mga direktor ay sina direk Perci, Ricky Davao at Eric Quizon mula sa panulat ni direk Jun produced ng IdeaFirst Company, TV5 at Cignal na mapapanood na sa Lunes, Nobyembre 23.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan