Thursday , December 26 2024

House ‘probe’ inismol (Pagpapasara sa mining operations iginiit)

MINALIIT ng grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang imbestigasyong gagawin ng House of Representatives sa nangyaring massive flooding sa Cagayan at Isabela.

Tinawag itong isang band-aid solution na walang kahihinatnan dahil tanging ang pagpapakawala ng tubig ng mga dam ang sakop ng gagawing imbestigasyon at hindi kasama ang pag-iimbestiga sa ilegal at legal na logging at illegal mining operations.

Ayon kay KMP President Danilo Ramos, kung nais ng mga mambabatas na masolusyonan ang problema at hindi na maulit sa hinaharap ang sinapit sa bagyong Ulysses, komprehensibong imbestigasyon ‘in aid of legislation’ ang dapat gawin.

“Hindi band-aid solution lang, hindi para masabi nating nag-imbestiga lang, ano ba ‘yung puno’t dulo ng problema, may relasyon ang nangyaring pagpapawala ng tubig ng mga dam at ang ginagawang legal at illegal logging sa large at small scale mining operations,” paliwanag ni Ramos.

Unang naghain ng House Resolution No. 1348 sina House Speaker Lord Allan Velasco, House Majority Leader Martin Romualdez, at Minority Leader Joseph Stephen Paduano para imbestigahan ang nangyaring massive flooding.

Sa pananalasa ng bagyong Ulysses, 67 katao ang namatay at 20 ang nawawala habang bilyong pisong ari-arian at impraestruktura ang nasira.

Giit ng KMP, ang tanging nakapaloob sa dalawang-pahinang resolusyon ng Kamara ay pag-iimbestiga sa National Irrigation administration (NIA).

Aalamin kung nasunod ang tamang protocol sa desisyon na buksan ang spillway gates ng Magat Dam ngunit walang ibang banggit ukol sa mining at logging operations.

Ayon kay KMP Spokesperson Danilo Ramos, ang pagpapatigil sa mining operations at pagsasampa ng kaso ang dapat resolbahin at imbestigahan ng Kamara.

Nanindigan din si Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat na ang tuluyang pagpapasara sa large scale destructive mining operations at pagpapahinto sa kontruksiyon ng Kaliwa Dam ang dapat maging aksiyon ng pamahalaan sa naranasang worst flood sa loob ng 40 taon sa Cagayan at hindi sapat na magsagawa lamang ng imbestigasyon na sa bandang huli ay maaaring wala rin mangyari.

Aniya, malinaw na illegal logging at mining ang sanhi ng naranasang malawakang pagbaha sa Cagayan at Isabela na nangangailangan ng agaran at matapang na aksiyon ng gobyerno dahil hanggang hindi natitigil ang pagmimina sa bansa ay mas marami ang trahedyang naghihintay sa Filipinas.

“Ang trahedya na nagdulot o ugat nitong matinding pagbaha at landslide ay nagpapatuloy pa rin sa mga proyektong nakasisira sa ating kalikasan, katulad ng malalaking pagmimina na nagkakalbo sa mga kabundukan at kagubatan, at ang mga dambuhalang dam na nagpapakawala ng napakaraming tubig na naglulubog sa maraming bayan,” giit ni Cullamat.

Duda si Act Teachers Partylist Rep. France Castro na may kahihinatnan sa bandang huli ang imbestigasyong iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nagbibigay ng permit sa mining operations at inatasan sa gagawing imbestigasyon kaya sa huli ay maaaring moro-moro lang ang mangyari rito.

Ang mga small scale mining ay agad na inisyuhan ng cease and desist order at pinatigil ang operasyon ngunit hindi naman makanti ng pamahalaan ang large scale mining.

Hamon ni Castro, kasuhan ang mga mastermind sa mining at quarrying operations.

“Gobyerno din ang may sala sa sinapit na pagbaha sa Cagayan dahil ang DENR na nasa ilalim ng ehekutibong sangay ang pumapayag na mag-operate ang mga mining at quarrying activities na kalaunan ay  nagresulta sa pagkakalbo ng kabundukan,” pagtatapos ni Castro.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *