Sunday , December 22 2024

Atenista babagsak kayo — Palasyo (Sa strike vs criminally neglectful response ng nat’l gov’t)

NAGBABALA ang Palasyo sa mga estudyante ng Ateneo de Manila University na babagsak ngayong school year kapag itinuloy ang panawagang mass student strike laban sa criminally neglectful response ng national government sa tatlong magkakasunod na bagyo at CoVid-19 pandemic sa pangkalahatan.

Sa isang kalatas, nangako ang mga estudyante ng Ateneo na simula sa 18 Nobyembre 2020 ay hindi sila magsusumite ng school requirements hanggang hindi tumatalima ang national government sa kahilingan ng mga mamamayan ng sapat na ayuda sa kalamidad at tugon sa pandemya.

“Babagsak po kayo dahil bilang isang dating propesor, kahit anong dahilan ng sinasabi ninyong strike, ‘pag hindi kayo sumunod sa academic requirements, mawawalan kayo ng kinabukasan at hindi ga-graduate sa Ateneo,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

Anang Ateneo students, hindi nila kayang sikmurain ang tumataas na bilang ng mga namamatay dahil sa kapabayaan ng estado.

“We cannot prioritize school work when our countrymen are suffering unnecessarily at the hands of those in power. We assert at the moment that the Ateneo community must, at the moment, concentrate all efforts into helping the most vulnerable citizens of the Philippines, such as those in Cagayan, Isabela, and the Bicol region,” anila.

Ang kanilang pagwewelga ay bilang pakikiisa sa mga estudyante na biktima ng kalamidad at CoVid-19 na hindi makahahabol sa mga aralin sa loob ng tatlo hanggang limang araw.

“From the beginning no student should have been left behind,” dagdag nila.

Marami anilang Atenean students na ginagampanan ang hindi nagagawa ng gobyerno kaya’t ang pagwewelga ay para hayaan sila na magtuon sa mga adbokasiya.

“We cannot sit idly by and do our modules, ignoring the fact that the Philippine nation is in shambles.”

Welcome sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang student strike na pangungunahan ng Ateneo students at nakikiisa sila sa panawa­gan para sa maayos na tugon ng pamahalaan sa kalamidad at pandemya.

“Unlike Harry Roque, we welcome the student strike initiated by Ateneo students. We welcome the strong demand for accountability in the aftermath of successive storms and floods that have ravaged our country. We join their demand for proper calamity and pandemic response. We hail their selfless act of placing the needs of the people, during this critical time, above their own needs. We wish them success in their brave undertaking. Mabuhay ang pag-asa ng bayan,” sabi ni Bayan secretary-general Renato Reyes Jr.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *