Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ynna Asistio, mas pinaboran ng Net25 kaysa kay Beauty Gonzales

ISA pala si Beauty Gonzales sa pinagpilian para sa karakter na Reina Dimayuga sa unang romantic drama series ng NET 25 na Ang Daigdig Ko’y ikaw na produced ng Eagle Broadcasting Corporation.

Si Ynna Asistio ang nagtagumpay bilang si Reina na makakatambal ni Geoff Eigenmann sa papel na Romer del Mundo na leading man ng aktres.

Ang taray ni Ynna dahil tinalo niya si Beauty sa go-see. Siguro sabi ni God, give chance to others kasi naman ang dami-daming project ni Beauty naman ngayon sa TV5 at soon mayroon din sa Kapamilya Network.

Anyway, sa loob ng 14 years ay ngayon lang bibida si Ynna sa series at malaking hamon ito para sa kanya lalo’t unang romantic drama series ito ng NET 25 kaya malaki ang nakaatang sa balikat niya.

Hindi naman itinanggi ng aktres na kinabahan siya, pero may bala siyang baon dahil anim na taon siyang walang tigil na nagwo-workshop kay Direk Rahyan Carlos sa Star Magic at nahawakan din siya ng kilalang acting coach ng LA, California USA na si Ivans Chubbuck.

Sa ginanap na launching ng Daigdig Ko’y Ikaw sa Iglesia Ni Cristo Museum sa Central Avenue, Quezon City ay nagkuwento si Ynna.

Six years po akong continuous acting workshop and ‘yung first week namin sa Las Casas (location ng shooting) was our last session for Master Class, so kahit wala akong trabaho, continuous ‘yun, every year kaya malaking tulong po ito ngayon sa akin kasi ito na ‘yung resulta ng pagwo-workshop ko for six years.

Ang dami po kasing nagsabi na workshop ako ng workshop, wala naman akong trabaho, eh, ito po kasi ‘yung seed na ibibigay mo sa sarili mo kasi pagdating ng araw na plant ka na at puwede ka na i-harvest, magagamit mo na,” pahayag nito sa mga dumalong entertainment media.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …