Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Catriona, pananggalang ni Sam sa lungkot at pag-aalala

DAHIL kay Catriona Gray na kasintahan ngayon ni Sam Milby kaya nabawasan ang pag-aalala niya sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng Covid19.

Nananatiling positibo si Sam sa kabila ng hindi magagandang balitang nangyayari sa iba’t ibang parte ng mundo, at sa mga pagsubok na hinaharap ngayon ng lahat.

Kuwento ni Samuel, nakaka-survive siya at ang kanyang pamilya kaya nagpapasalamat siya sa ABS-CBN dahil binigyan siya ng trabaho.

Ayaw ko maging insensitive siyempre, my heart goes out sa mga tao, sa buong mundo nitong pandemya, I just feel so blessed to have work and to be comfortable pa rin sa buhay.

“I’m so blessed. First off, happy ang puso ko. I’m blessed sa love life definitely but I’m also blessed sa mga tao sa paligid ko.

“I have great friends and I just learned to appreciate more during this pandemic. I’m grateful to have people in my life even my sister, ‘yung pamangkin ko, church friends ko, I feel so blessed,” panayam ng aktor sa Magandang Buhay.

Ipinagpapasalamat din ni Sam na maayos pati ang kalusugan ng kanyang mga magulang na nasa Ohio, USA.

My dad kaka-86 pa lang niya. So, I’ve been so worried, I’m lucky na kung saan sila sa Ohio, it’s a rural area hindi masyadong maraming tao but of course ‘yung worry na my dad he’s a bit older na. I can’t go home to see them, so medyo mahirap.

Not only the challenge of being away sa loved ones ko but the uncertainty of your future. Aaminin natin na this job is not stable.

“Ako 36 na ako, hindi ko alam kung ilang years pa ako sa showbiz and you don’t know in the next few years paano ang trabaho, hindi ba? So that fear of paano na ang future ko,” paliwanag ni Sam.

At malaki nga na nasa tabi niya si 2018 Miss Universe dahil nabawasan ang mga agam-agam niya.

Well, lovelife ko. Siya (Catriona) ang una na kakausapin ko. My sister is always been there and ‘yung mga church friends ko,” saad ng binata.

Nabanggit na rin dati ng aktor na si Catriona na ang kanyang ‘the one.’

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …