Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
KINAILANGAN pang magbigay ng ultimatum sa mga mamimili si P/Lt. Col. Wilbert Parilla, deputy chief of operations ng Cebu city police, dahil ayaw nilang umalis sa harap ng tindahan. (Photo courtesy: The Freeman)

11.11 sale pumatok shoe store ipinasara (Tindahan sa Cebu dinagsa)

IPINATIGIL ng pulisya at mga opisyal ng lungsod ng Cebu ang operasyon ng isang tindahan ng mga sapatos matapos dagsain ng mga tao nang mag-anunsyo ng 11.11 sale ang JS Footwear.

Makabibili ng tatlong pares ng sapatos sa halagang P998 sa 11.11 sale ng nasabing tindahan.

Hindi pinayagang magbukas kahapon, 11 Nobyembre, ang JS Footwear, sa Sanson Rd., Barangay Lahug, sa nabanggit na lungsod, dahil sa pagdagsa ng maraming tao, maliwanag na paglabag sa CoVid-19 protocol ukol sa social distancing.

Makikita sa mga video at mga larawang kumakalat sa social media ang daan-daang taong pumila sa labas ng tindahan.

Ayon sa mga may-ari ng tindahan na kinilalang sina Eden Grace at Jhustine Cabor, hindi nila inaasahang ganoon karaming tao ang pupunta sa kanilang sale.

Nangako ang dalawa na itatama ang kanilang pagkakamali upang muling payagang magbukas ang kanilang tindahan.

Samantala, nalaman ng mga awtoridad na walang special permit mula sa Department of Trade and Industry (DTI) ang tindahan at nakabinbin ang kanilang business permit sa Cebu City Hall.

Nag-isyu ng show cause order laban sa mga may-ari ng tindahan upang makapagpaliwanag sila kung bakit hindi sila dapat magkaroon ng pananagutan dahil sa paglabag sa CoVid-19 protocol.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …