Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelica Panganiban sexy
Angelica Panganiban sexy

July 11, pinakamahalagang date kay Angelica, bakit nga ba?

ANONG mayroon sa petsang Hulyo 11 at tinutukso si Angelica Panganiban ng co-hosts niyang sina Kean Cipriano at Via Antonio sa online talk show na #AskAngelica.

 

Sa birthday episode ni Angelica ay isa si Direk Andoy Ranay sa nagtanong.

 

 “Ano ang pinakamahalagang date sa ‘yo at bakit?

 

Tawang-tawa naman ang aktres at na-curious din ang co-hosts niyang sina Kean at Via kung anong mayroon sa July 11, ‘’sagutin mo ‘yun!’ sabi ng dalawa.

 

“Naalala koi to, eh, kasi pagod na pagod ako ng panahon na ito tapos naalala ko gusto kong magpahinga and ito ‘yung unang break ng ‘Walang Hanggang Paalam’ kasi nagtatrabaho kami araw-araw, unang break kami ng July 11.”

 

Hirit kaagad ni Via, “Sinong kami?”

 

“’Yung grupo nga ng ‘Walang Hanggang Paalam’ kasi nga nag-celebrate kami, rest day. So, ginawa namin nag-ihaw, nag-inuman kami,” kuwentong kinikilig ng dalaga.

 

“So, kakaibang sarap ng pag-ihaw noong July 11?” sabi pa ni Via.

 

Tawang-tawa si Angelica sa tanong at kunwari kinusot ang mata na naka-dirty finger.

 

Nang lumabas si Paulo Avelino sa video ay natawa si Angelica at sabay sabing, “’paborito natin.’’

 

“Sexbomb Angge, may regalo ako sa ‘yo, hindi ko alam kung magagalit ‘yung ano pero ibibigay ko (bleep) sa ‘yo ‘yung saken,” say ng isa sa leading man ng aktres.

 

Tawa naman ng tawa ang lahat sa mga pinagsasabi ni Paulo na hindi namin naintindihan dahil censored.

 

Hirit pa ni Pau, “pero magugustuhan mo.”

 

Nabanggit naman din ni Angge na ang paborito niyang leading man ay, “si nguso Zanjoe kasi nakita kong maganda ‘yung chemistry namin.”

 

Apat na beses ng nagtambal sina Angge at Zanjo Marudo, ang Playhouse (2018), at itong Walang Hanggang Paalam at ang dalawang pelikula ay 24/7 In Love (2012) at One More Try (2012).

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …