Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel at Neil, kasal na sana noon pang Nov. 8

DAHIL sa Covid-19 pandemic kaya hindi natuloy ang kasal nina Neil Arce at Angel Locsin nitong Linggo, November 8.

Ang post ni Angel nitong Linggo, “So, we were supposed to get married today Nov 8, 2020. how about you guys? Did you have plans this year that got moved? Can’t wait a few more months.”

Ang sagot ni Neil sa post ng fiancée, “A few more months (heart emoji) can’t wait to be your husband.”

“Charot,” naman ang birong sabi ng aktres.

“Tamis arnibal, o loko,” komento naman ni Vice Ganda.

Sagot ng aktres, “@praybeytbenjamin kala mo ikaw lang ha!”

Nag-react din si Direk Irene Villamor@ayrin, “oo nga! naka calendar ‘to sa akin. heniwey, pakaligaya. ano’t anuman, pag-ibig pa rin love you both.”

Sagot ng akres sa direktora, @therealangellocsin, “@ayrin hahaha! See you next year!”

Ang daming well-wishers nina Neil at Angel na umabot sa kulang-kulang 2k at 238k naman ang likes/love.

Noong Hunyo 2019 inanunsiyo nina Neil at at Angel na engage na sila na ang caption ng aktes habang nakayakap at ipinakikita ang singsing, “Surprise of my life.

 “And I said YES. We’re engaged! Waaaaaaaaaah.”

Hirit naman ng future hubby, “Thank you for allowing me to be with you, take care of you and most of all love you for the rest of my life.”

Habang isinusulat namin ito ay hindi pa rin sinasabi nina Neil at Angel ang petsa ng kanilang kasal for security reasons at kung saan ang location.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …