Saturday , November 16 2024

Lopez, Quezon, muling binaha (TD Tonyo umariba)

HINDI pa halos humuhupa ang baha sa ilang lugar sa bayan ng Lopez, sa lalawigan ng Quezon dulot ng mga nagdaang bagyo, binahang muli ang ilang barangay dahil sa mga ulan na dala ng tropical depression Tonyo.

Kabilang sa mga binahang lugar ang mga barangay ng Rizal, Del Pilar, at Magsaysay, kaya nagbabangka na umano ang mga residente.

Simula nitong Sabado ng hapon, 7 Nobyembre hanggang umaga ng Linggo, 8 Nobyembre, bumuhos ang ulan sa bahaging timog ng lalawigan.

Samantala, patuloy ang monitoring naginagawa ng Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa sitwasyon sa buong Quezon.

Inaasahang aabutin pa ng ilang araw bago tuluyang humupa ang mga pagbaha sa bayan ng Lopez.

Passable sa lahat ng uri ng sasakyan ang Maharlika Highway sa Canda Ibaba sa Lopez na lumubog sa baha magdadalawang linggo na ang nakalipas.

Nitong Linggo ng umaga, isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang hilaga at gitnang bahagi ng Quezon, kabilang ang mga bayan ng Gumaca, Pitogo, Quezon, Alabat, Perez, Unisan, Plaridel, Atimonan, Agdangan, Padre Burgos, Pagbilao, Mauban, Tayabas City, Lucena City, Sariaya, Candelaria, Tiaong, San Antonio, Dolores, Lucban, Sampaloc, Real, Infanta at General Nakar.

Kasama rin sa TCWS No. 1 ang Polillo Islands.

Inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Tropical Depression Tonyo nitong Lunes ng umaga, 9 Nobyembre.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *