Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pia, nasasaktan na; Humiling ng dasal at healing sa pamilya

NAGPASYA na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na ilahad ang damdamin n’ya sa parang ‘di na n’ya mapigil na paglala ng hidwaan at palitan ng masasakit na salita ng kanyang inang si Cheryl Alonzo Tyndall at nakababatang kapatid na si Sarah Wurtzbach.

Nagsimula ang alitan na ‘yon noong ikalawang linggo ng Oktubre.

May mga haka-hakang kaya biglang bumalik sa London si Pia noong pangalawang linggo ng Oktubre ay dahil sa biglang ratsadang pamba-bash ni Sarah sa kanya at sa kanilang ina noong October 11.

Sa magkahiwalay na bahay sa London naninirahan ang ina n’ya at kapatid. May asawa’t dalawang anak na si Sarah. Ang kanilang ina ay may ilang dekada nang kilala bilang Mrs. Tyndall.

Nasa London si Pia noong Setyembre. Isinama n’ya roon ang boyfriend n’yang businessman-environmentalist na si Jeremy Jauncey para maipakilala ito sa ina at sa kapatid. Nagluto si Mrs. Tyndall ng ilang pagkaing Pinoy para i-welcome ang boyfriend ng anak niyang naging Miss Universe.

Sa London nagdiwang ng ika-32 kaarawan si Pia noong September 23. Si Sarah pa nga ang nangasiwa sa paghahanda para sa kaarawan ni Pia. Masaya at magkakasundo ang mag-iina.

Noong makabalik na sa Pilipinas si Pia ng mga unang araw ng Oktubre, parang biglang nagbago ang timpla ni Sarah sa London. At noong October 11 nga ay rumatsada ng panlalait si Sarah sa ina at sa kapatid sa pamamagitan ng Instagram n’ya.

Parang noong October 12 ay biglang dumating si Pia sa London, inalo ang kapatid, kaya’t ang ina na lang nila ang napagbalingan ni Sarah ng mga ngitngit nito.

Halos isang buwan na ring ‘di kumikibo si Pia sa mga parunggit at paratang ni Sarah sa kanilang ina. Gayundin naman ang kanilang ina.

Pero isang araw kamakailan, sumagot na rin ang kanilang ina, at ipinagtanggol ang sarili sa pamamagitan ng isang Instagram Live session, na ginawa nito habang katabi ang stepfather ng magkapatid na si Nigel Tyndall. Si Nigel ay isang British na napangasawa ng kanilang ina at ito ang nagdala sa kanila sa London buhat sa Pilipinas sa panahong matagal nang hiwalay ang mga magulang ng magkapatid.

Ilang araw lang ang nakaraan, nakiusap si Pia sa madla, sa pamamagitan ng Instagram n’yang @piawurztbach, na huwag sisihin sino man sa ina at kapatid n’ya, at huwag hiyain ang sino man sa kanila.

Aniya: “We are trying to resolve our family issues privately and I ask for your support by not trying to put the blame on anyone and stop victim shaming.”

Inamin din n’yang nagkaroon ng traumatic experiences si Sarah noong kabataan nito na ang epekto ay siyang ikinikilos n’ya nitong mga nagdaang linggo.

Lahad n’ya: “I’m sure a lot of you know that my family is going through some issues at the moment and most of it is posted online.

“This is a very hurtful time for our family. My sister, especially, had a very traumatic experience and I humbly ask everyone to be kind to her.”

Hindi na inulit ni Pia ang kuwento ng ina nila na nahalay si Sarah noong 10 years old pa lang ito habang nakatira sila sa Pasig. Isang taon lang ang tanda ni Pia kay Sarah. Thirty-two years old na si Pia.

Hindi na rin binanggit ni Pia ang akusasyon ni Sarah na, “my mother solicited me,” na ang ibig sabihin ay ibinugaw siya ng kanilang ina.

Hiniling ni Pia na ipagdasal ang kanilang pamilya para matagpuan ang lunas sa pagsubok na pinagdaraaan nila.

Kalakip ng mensahe ni Pia ang larawan nila ng kanyang ina at kapatid, at mga pamangkin kay Sarah.

Narito ang buong mensahe ng former Miss Universe:

“I’m sure a lot of you know that my family is going through some issues at the moment and most of it is posted online.

“This is a very hurtful time for our family. My sister, especially, had a very traumatic experience and I humbly ask everyone to be kind to her.

“We are trying to resolve our family issues privately and I ask for your support by not trying to put the blame on anyone and stop victim shaming.

“Please be mindful on your posts and comments to Sarah, mabigat ang pinagdadaanan niya ngayon.

“Bilang anak at kapatid, napakasakit sa akin na makitang nagkakaganito ang mga taong mahal ko.

“Hiling ko na lang po sa inyo na isama nyo kami sa inyong mga dasal at sana mahanap na rin ng aming pamilya ang nararapat na healing.

“Sa panahon na ito, magpakita po tayo ng pagmamalasakit at pagmamahal sa isa’t isa. Maraming salamat po.”

Disente at mahinahon pa rin si Pia sa pakiusap sa madla at sa pag-amin sa mga pinagdaraanan ng pamilya nila na iniwan ng ama n’yang German-American noong 9 years old pa lang si Pia. Yumao si Uwe Wurtzbach sa Pilipinas noong 2013.

Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …