Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Parak kinasahan tulak todas sa buy bust (Sa Bustos, Bulacan)

PATAY ang isang kilabot na tulak ng ilegal na droga matapos manlaban sa pulisya sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Bustos, lalawigan ng Bulacan, kamakalawa ng madaling araw, 3 Nobyembre.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, ang napatay na suspek na si Ramil Cruz, alyas Tamil Cruz, na kabilang sa PNP PDEA watchlist.

Batay sa ulat mula kay P/Maj. Jansky Andrew Jaafar, hepe ng Provincial Intelligence Unit (PIU), katuwang ang Bustos Municipal Police Station (MPS) na pinamumunuan ni P/Maj. Jude Bryan Maguddayao, nagkasa ng buy bust operation laban kay alyas Tamil Cruz sa bahagi ng NIA Rd., Barangay Talampas, sa naturang bayan, dakong 3:20 am, nitong Martes.

Habang nagkakaroon ng transaksiyon, bigla umanong nakahalata ang suspek na ang kausap niya ay isang police operative.

Sa puntong ito, biglang bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang operatiba na kaagad nakakubli at gumanti ng putok.

Dito na kumilos ang mga back-up security ng pulis hanggang magkaroon ng barilan na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Nakuha sa napatay na tulak ang isang kalibre .22 baril na kargado ng bala, itim na sling bag na may pliers, pouch na may laman na 10 sachets ng shabu, pitaka na naglalaman ng sari-saring ID, isang Suzuki multi-cab, at buy bust money.

(MICKA BAUTISTA) 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …