Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

P1-M shabu kompiskado 3 drug suspects arestado

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang mahigit sa P1-milyon halaga ng shabu sa tatlong tulak ng droga kabilang ang No. 1 sa Top 10 drug personalities ng Northern Police District (NPD) sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan at Valenzuela cities, kamalawa ng gabi.

Ayon kay NPD Director P/BGen. Ronaldo Ylagan, dakong 7:00 pm nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan, Jr., sa harap ng BPI Bank, Monumento Circle, EDSA, Barangay 86, Caloocan City.

Agad naaresto si Richie Nevado, alyas Uteng, 29 anyos, nasa watchlist, No.1 sa top 10 drug personalities ng NPD at dating nadakip noong 2012 sa kasong rape ngunit nakalaya matapos makapagpiyansa; at Felizardo Pagia, 33 anyos, dating naaresto noong 5 Nobyembre 2017 sa paglabag sa R.A. 10195 at nakalaya noong, 2 Enero 2020 sa pamamagitan ng parole.

Ani Gen. Ylagan, nag-ugat ang pagkakaaresto sa mga suspek mula sa dating buy bust operation laban kay Alvin Ko, No. 2 sa Top 10 Drug Personalities ng NPD na nag-o-operate sa CAMANAVA area; sa mga natanggap na ulat at reklamo ng DDEU hinggil sa talamak na pagbebenta ng ilegal na droga sa mga parokyano ni alyas Uteng.

Nakompiska sa mga suspek ang aabot sa 55 gramo ng shabu na may standard drug price P374,000 ang halaga, marked money na binubuo ng isang tunay na P1,000 bill at 5 piraso ng boodle money, cellphone at motorsiklo.

Dakong 11:20 pm, inginuso ng mga suspek ang pinagkukunan nila ng droga kaya’t agad ikinasa ng mga operatiba ng DDEU ang follow-up buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Anthony Lloyd Molina, alyas Carding, 28 anyos, residente sa E. De Castro St., Barangy Malinta, Valenzuela City.

Nakuha kay Molina ang 105 gramo ng shabu na may tinatayang P714,000 ang halaga, at marked money na binubuo ng isang tunay na P1,000 bill at 11 pirasong boodle money.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …