Saturday , November 16 2024

Mangingisda, timbog sa shabu (Lumabag sa curfew)

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang mangingisda matapos makuhaan ng shabu nang sitahin ng mga tauhan ng Maritime Police dahil sa paglabag sa curfew hours sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Maritime Police Station (MARPSTA) Major Rommel Sobrido ang naarestong suspek na si Arnel Alegue, 40 anyos, residente sa Isda St., Navotas Fish Port Complex (NFPC), Barangay NBBN.

Sa report ni Maj. Sobrido kay Northern NCR MARPSTA Col. Ricardo Villanueva, dakong 1:20 am, nagpapatrolya ang mga tauhan ng Navotas Maritime Police sa Isda St., NFPC, Barangay NBBN nang sitahin ang suspek dahil sa paglabag sa curfew hours.

Tinangkang tumakbo ng suspek ngunit nahawakan siya ni Pat. Dmitri Chase Valero ngunit nagpapapalag at nang hilingin ni Pat. Nikki Pepito na ilabas ang laman ng kanyang bulsa, nahulog ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nasa P500 ang halaga.

Ayon kay MARPSTA P/SMSgt. Bong Garo II, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa city ordinance kaugnay ng curfew, Disobedience to Agent of Person in Authority) at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(ROMMEL SALES)

About Hataw Tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *