ANG bongga ni Quantum producer cum director Atty. Joji V. Alonso dahil ang unang full-length film na idinirehe niya, ang Belle Douleur ay kabilang sa 10 pelikulamg ipanlalaban sa Asian Film Festival sa Barcelona, Spain na mapapanood simula Oktubre 28 – Nobyembre 8.
Magkasama sila ni Lav Diaz sa Panorama Section kaya naman overwhelming ang nararamdaman ngayon ni Atty-direk Joji.
Aniya, “Nagulat ako nang sobra when I found out. Diyos ko, what an honor to be part of that section. Most grateful. I wish though I could be there and witness the foreign audience watch the film. But the fact that we are alive and healthy is more precious.”
Hindi dadalo si Atty. Joji sa gabi ng parangal dahil nga tumataas lalo ang bilang ng Covid19 cases sa Europe.
Post ni Atty. Joji sa kanyang FB page, “Belle Douleur is among 22 films currently competing in the Panorama Section of the Asian Film Festival in Barcelona. And we are pitted against the film of no less than THE multi awarded Lav Diaz. Such an honor and shocking surprise!”
Isinama niya ang mga pangalan ng production na kasama niya sa Belle Douleur na sina Mylene Dizon, Keith San Esteban, Marlon Rivera, Jenny Jamora, Ricky Lee, Therese Cayaba, Patricia Sumagui, Mycko David, Angel Diesta, Marinette Lusanta, Lexter Favor Tarriela, Marya Ignacio, Len Calvo, at Mikko Quizon.
Nagpasalamat din si Atty. Joji kay Ferdy Lapuz dahil siyang nag-asikaso para mapasama sa nasabing festival gayundin sa co-producer niyang sina Deo Endrinal for Dreamscape Entertainment, iWantTFC, at Cinemalaya.
Samantala, ang ibang Filipino films na kasama sa Asian Film Festival ay ang mga sumusunod:
Ang pelikulang Mindanao ang kasama sa Official section.
Sa Special sections ay ang Chengfeng Town, Distance, Indus Blue, Iska, Kalel 15, Last Night I Saw You Smiling, at Lingua Franca.
Kasama naman sa Net Pac section ang Ama Khando, Edward, Goodbye Mother, at In The Name of the Mother.
At sa Discoveries section ay ang Ayu at Latay.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan