Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pia, nakiusap sa mga basher– Be kind to Sarah, we are trying to resolve our family issues privately

MASAKIT para kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang mga nababasa niyang komento sa social media patungkol sa kapatid niyang si Sarah Wurtzbach-Manze at nanay nilang si Gng. Cheryl Alonso-Tyndall.

 

Ilang araw na kasing pinagpipistahan sa social media ang mga pasabog ni Sarah tungkol sa kanyang ina bagay na itinanggi naman ng huli base sa video vlog nito sa kanyang YouTube channel na Mommy Cheryl with A Heart.

 

Obviously, dumaranas ngayon ng anxiety at depression si Sarah para makapag-post ng laban sa ina kaya nakiusap si Pia na sana unawain at ihinto na ang victim shaming sa pamilya niya.

 

Nitong Lunes ng gabi ay nag-post si Pia ng masayang larawang kasama ang mommy Cheryl, Sarah at dalawang pamangkin na sina Lara at Logan nang bumisita siya sa UK.

 

Ang caption niya ay, “I’m sure a lot of you know that my family is going through some issues at the moment and most of it is posted online. This is a very hurtful time for our family. My sister, especially, had a very traumatic experience and I humbly ask everyone to be kind to her. We are trying to resolve our family issues privately and I ask for your support by not trying to put the blame on anyone and stop victim shaming.

 

“Please be mindful on your posts and comments to Sarah, mabigat ang pinagdadaanan niya ngayon. Bilang anak at kapatid, napakasakit sa akin na makitang nagkakaganito ang mga taong mahal ko. Hiling ko na lang po sa inyo na isama nyo kami sa inyong mga dasal at sana mahanap na rin ng aming pamilya ang nararapat na healing. Sa panahon na ito, magpakita po tayo ng pagmamalasakit at pagmamahal sa isa’t isa. Maraming salamat po.”

 

Maraming nagbigay ng kanilang suporta kay Pia mula sa mga kaibigan sa showbiz at mula sa netizens.

 

Ang kapwa beauty queens ni Pia ay nagpahayag din ng prayers sa kanya.

 

Mula kay @Thia Thomalia (Miss Eco International 2018-became the first Asian to win the crown); ‘Stay Strong P’

 

Ayon naman kay Miss Binibining Pilipinas 2019 Gazini Ganados“Prayers for you family Pia.”

 

Say ni Miss Earth Philippines 2015Angelia Ong, “Thinking of you and your family.”

 

Galing kay @Siera Bearchell (Miss Universe Canada 2016), “God Bless You.”

 

Ang hinirang na Miss Universe 2011, Leila Lopes ng Angola, ay ito naman ang sinabi, “God bless you.”

 

At ang ating Miss International 2013Mutya ng Pilipinas 2011 na si Bea Santiago ay nagsabing, “We got you P! We love and care for u and your family.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …