Saturday , November 16 2024
fire sunog bombero

P58-M naabo sa Legazpi Mall

TINATAYANG aabot sa P58,000,000 ang naiwang pinsala nang masunog ang warehouse at convention center ng LCC Mall sa lungsod ng Legazpi, sa lalawigan ng Albay, kamakalawa ng gabi, 1 Nobyembre.

 

Ayon kay Fire Senior Supt. Renato Capuz, direktor ng BFP Bicol, natupok ng apoy ang tatlong warehouse ng LCC Department Store at Concourse Convention Center sa Barangay Baybay, sa naturang lungsod, dakong 8:00 pm nitong Linggo.

 

Aniya, napinsala ang mga warehouse dahil gawa sa combustible material ang mga nakaimbak na paninda.

 

Nabatid na kumalat ang apoy sa event center na nasa ikalawang palapag ng gusali habang nailigtas ng mga bomberob ang tatlong iba pang warehouse sa loob ng compound.

 

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog na idineklarang fire out dakong 3:00 am nitong Lunes, 2 Nobyembre.

 

Napag-alaman na nagsimula ang sunog sa warehouse at patuloy na tinutukoy ang sanhi nito.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *