Monday , November 18 2024

Ina nina Pia at Sarah, nagsalita na—‘Wag n’yo akong husgahan, inalagaan ko ang aking mga anak

FINALLY, sumagot na ang nanay ni Sarah Wurtzbach-Manze na si Gng. Cheryl Alonso-Tyndall sa mga paratang sa kanya ng anak na itinuturong dahilan kaya siya na-rape sa edad na 10 noong nakatira pa sila sa Pasig City bago sila tumulak sa United Kingdom at doon sila parehong naninirahan ngayon.

Sa YouTube channel na Mommy Cheryl with A Heart, ikinuwento ng ina ni Sarah kung anong ugaling mayroon ang bunso noong bata pa ito.

Pero nauna munang magsalita ang stepdad ni Sarah na si Nigel Tyndall, “It took a lot of times to think back over years of all the wrongs and bad things that done to us, and Cheryl, after we helped her.”

At base sa kuwento ng ina ni Sarah.

“As a single mom po, napakahirap alagaan ng dalawang batang babae na mestiza. Talagang binabantayan ko po ang mga anak ko.

“Kasi po, alam n’yo, after six years na wala kaming anak ng aking first husband dahil ayaw naman niyang magkaanak, talagang pinilit kong magkaanak.

“Gagawin ko ba naman ‘yan sa mga anak ko? Hindi po, hindi po ako ganyang tao, hindi po ako ganyang ina. Huwag niyo po akong husgahan kasi talaga pong inalagaan ko iyong aking mga anak.”

Sina Pia at Sarah ay mga anak sa unang asawa ni Cheryl na si Uwe, German national na namatay noong 2014.

Mahilig daw sa barkada si Sarah sa murang edad at ginagabi ito ng uwi dahil kung saan-saan nakararating.

“Dahil sa mga barkada, naaaya si Sarah na lumabas-labas, makipaglaro. Nandoon na iyong puntong hahanapin namin siya, kaming dalawa ni Pia, maghahanap doon sa bahay-bahay, tatawagin namin ang pangalan niya, ‘Sarah, Sarah, Sarah!’

“Gabi na po ‘yun, ‘yung mga kapitbahay po, nakatingin sa aming ganoon, nakasilip na ganoon. Gabi, mga alas diyes ng gabi, wala pa po si Sarah. Pupunta kami roon sa dulo, wala rin. Hanggang sa umuwi na lang kami, uuwi na lang po kami ni Pia na kabang-kaba ako. Maya-maya po, darating po si Sarah sabi ko, ‘Saan ka galing?’”

Hindi naman nagsasalita ang bunsong anak kaya para matigil ang komunikasyon nito sa mga kaibigan ay kinumpiska nito ang cellphone, bagay na ipinag-rebelde nito.

“Kasi roon siya nakikipag-text sa mga kaibigan niya sa labas. Mga babae naman po pero mas matanda sa kanya,” pahayag ni Gng. Cheryl.

Hanggang sa may nagsabi sa kanyang bantayan nito si Sarah ng isang kapitbahay nila. “Ate, bantayan mo iyang si Sarah kasi dina-drugs iyan doon sa dulo. Baka kung ano na nangyayari sa anak mo, bantayan mo.”

Rito na kinabahan ang nanay ni Sarah kaya kaagad niya itong kinausap pero walang inaamin at para magsalita ay nagharap sila sa barangay kasama ang taong nagsabing ingatan ang anak.

“So, nagpa-barangay na ako para magharap-harap kami roon niyong kapitbahay, ako, iyong barangay captain, si Sarah, si Pia. Noong mga ten years old po iyon [si Sarah], ganoong edad.

“Eh, ‘di pinapaamin si Sarah kung totoo iyon. ‘Bakit, dina-drugs ka ba roon? Umamin ka, Sarah. Umamin ka.’

“Eh, nakikita ko, iyong kapitbahay namin, parang pinandidilatan niya si Sarah. ‘Umamin ka na, umamin ka.’ Mga ganoon. So, parang nagagalit ako, ‘Bakit pine-pressure niyo iyong anak ko? Kung hindi naman talaga totoo, aamin naman ‘yan, iiyak sa akin ‘yan, magsusumbong sa akin ‘yan.’”

At nasayang lang ang oras dahil wala ring inamin ang anak hanggang tumulak na sila pa-UK na inakala ng ina na tapos na ang problema sa anak dahil bagong kapaligiran na, pero hindi pala dahil nakatanggap siya ng sulat mula sa principal ng eskuwelahan na may problema ang anak.

“Ano ba raw iyong sinasabi ni Sarah na kumakalat na mayroong abuse na nangyayari sa kanya? Nangyari o nangyayari. Eh, ‘di ako po, litong-lito. ‘Ano ito, anong sulat ito? Sarah, what is this?’

“So, ang ginawa ko po, nag-absent ako one-day para pumunta po roon sa school para kausapin iyong principal kung ano ang nangyayari.

“Sabi po ng principal, ‘Sarah has a problem, she’s talking to other classmate and to some mothers about what happened to her in Philippines.’

“I said, ‘What?’ I was really really shocked. Na-shock po talaga ako noong kinakausap akong ganoon.

“So, sa pag-uusap naming ganoon, ‘I don’t know anything about it, we are already here in the U.K. for three years and she never (told) me anything about it. Kasi raw, nangyari po raw doon sa Philippines.”

Tila nabuhusan ng tubig na malamig ang nanay ni Sarah kaya pag-uwi nila ng bahay ay tinanong niya ang anak.

“Sarah, ano nangyari sa ‘yo? Bakit sa kanila mo sinasabi, bakit hindi sa akin? Bakit mo inilihim na halos tatlong taon na tayo rito, hindi mo sinasabi sa akin, sa ibang tao mo sinasabi? Ano nangyari sa ‘yo? Sino gumawa sa ‘yo?’

“Nagsabi ako ng mga pangalan na na-encounter namin sa buhay namin doon. Hindi raw, hindi raw, hindi raw.

“Sabi ko, ‘Sino? Sino? Bakit ngayon mo lang sinasabi sa akin? Nandito tayo sa U.K., paano kita maipapagtanggol? Anong gagawin natin ngayon?’

“Halos itabi ko siya sa pagtulog ko, kung paano gagawin ko na may problema pala siya. Alam niyo, ang sakit-sakit sa akin niyon.

“’Kung alam mo lang, kung nasa Philippines lang tayo, talagang dadanak ang dugo. Hindi ko papayagan na ganunin ka. Alam mo bang ipinagtanggol kita roon sa barangay, ayaw mong umamin’?’

“’Ano? ‘Tapos may ganyan palang nangyari pa. Sino iyon? Bakit? Bakit hindi mo sinasabi sa akin? Bakit sa ibang tao?’

“Wala kaming magagawa. Pupunta ba kami roon? Sino ang hahanapin namin? Sino ang kakalabanin namin? Ayaw naman niya magsalita. Takot yata. Baka tinakot.

“Pinabayaan ko siyang gawin niya ang gusto niya, sinuportahan namin siya. We supported her from the start.

“If she wants to go to work, we bring her there. Kapag may suweldo ako, may mga allowance naman sila, binibigyan ko.

“After high school, nagtrabaho na siya.

“Matalino po si Sarah. Magaling sa Math, she’s a smart girl. She always has grade A in her cards.

“She was bullied many times, and we went there in the school and we fight there. But you cannot just fight the parents and the children that bullied her.”

Mahal ni Cheryl ang mga anak kaya hindi niya magagawa ang lahat ng paratang sa kanya ng bunso at pakiwari niya ay dumaranas ito ng postpartum.

“I love my daughters. I don’t believe that she hates me so much. I know she loves me. I still believe that. I always think maybe it’s postpartum. I just want to believe that it’s just postpartum, harder than normal or worse than normal.

“Kasi po, nag-postpartum din ako pero hindi naman ako ganoon kaano. Iyon lang po ang masasabi namin sa ngayon. Marami pong taong mapanamantala. Biktima rin po ako. Kaya ayun lang po. Mahal ko ang mga anak ko.”

Pero may pasabog na naman si Sarah dahil pagkatapos ng 19 minutes at 36 seconds na paliwanag ni Gng. Cheryl ay nag-post muli ang una ng text message sa kanyang ina.

“Karmahin ka sana ng todo sa pagmumura mo sa akin. Wala kayong utang na loob! Tumira kayo rito ng dalawang taon dito sa flat ni Nigel pero mga wala kayong respeto! Mga wala kayong utang na loob! Na-rape ka kasi ginusto mo ‘yun. Hindi ka mapigilan. Yes 10 yrs old ka pa lang lumalabas ka na ng bahay sa gabi! ‘Yung grupo ni ‘Alupihan’ sa Pasig doon ka nire-rape. Sabi ni Beng, ‘di ba? Rito ka sa UK nagdadaldal sinabi mo sa nanay ni Dara, ipinagkalat mo pa sa Trinity tapos sinabi mo sa hoodlum na si Charlie ‘di ba? O ano ngayon napala mo? Tapos ako sisihin mo hayop kang babae ka? FYI nagpunta na rin ang mga pulis dito at ini-interview kami tungkol sa inyo.”

Anong masasabi mo Ateng Maricris?

Reggee Bonoan

About Hataw Tabloid

Check Also

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *