Wednesday , January 1 2025

Manila Water Laboratory Services, kinilala bilang Laboratory of Excellence

KINILALA kamakailan ang Manila Water Laboratory Services (MWLS) bilang Laboratory of Excellence makaraan ang isinagawang proficiency testing ng Waters ERA nitong Agosto at Setyembre ng taong kasalukuyan, na inihambing ang MWLS sa higit 300 iba pang laboratoryo sa buong mundo.

Bilang pagtataguyod sa mga sertipikasyon at akreditasyong natanggap nito, sinikap ng MWLS na matamo ang pagkilala bilang pagpapatunay na ang mga pamamaraan at prosesong sinusunod ng kompanya ay pasado sa “world-class standards” upang masiguro na ang tubig na umaabot sa mga metro ng customer ay malinis at ligtas inumin at ang “wastewater effluent” ay nananatiling ligtas upang itaguyod and pagkabuhay ng mga isda at halamang tubig sa mga ilog.

Ibinahagi ni MWLS Head Ms. Joy De Vera na ito ay bahagi ng kanilang pagpupunyaging lalo pang mapabuti ang kanilang gawain.

“Layunin ng Manila Water Laboratory Services na ang resulta ng aming mga pagsusuri ay wasto at mapagkakatiwalaan kaya’t sumailalim kami sa Proficiency Testing ng ERA. Ikinagagalak naman namin na lahat ng test parameters na sinuri ay nakatanggap ng markang satisfactory,” dagdag ni De Vera.

Kabilang sa mga parameters na ito ay total dissolved solids (TDS), calcium, magnesium, chloride, sulfates, calcium hardness at total hardness para sa maiinom na tubig; at total solids (TS), total suspended solids (TSS), settleable solids (SS) at oil and grease (O&G) para sa wastewater.

Ayon sa website nito, ang US-based Waters ERA ay kinikilala bilang “premier providers” ng Proficiency Testing (PT) at Certified Reference Materials (CRMs) sa libo-libong laboratoryo sa buong mundo at kasalukuyang nagseserbisyo sa 80 bansa.

Mayroon nang akreditasyon ang MWLS kaugnay ng pamantayan ng ISO 17025:2017 sa “quality management system for testing and calibration laboratories” at mula sa Department of Health (DOH) alinsunod sa Philippine National Standards for Drinking Water (PNSDW). Kinikilala rin ito ng Department of Natural Resources (DENR) bilang Environmental Laboratory.

 

About hataw tabloid

Check Also

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM malls in Marilao, Baliwag, and Pulilan wrap up 2024 with a heartfelt gift-giving and …

Sa Bulacan 20K TRABAHADOR TARGET NG PRECAST FACTORY

Sa Bulacan  
20K TRABAHADOR TARGET NG AUTOCLAVED AERATED CONCRETE (ACC)

ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng Philippine High Speed New Materials Company  Inc., sa loob ng …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *