Monday , November 18 2024

Gardo Versoza, from Tiktokers to product ambassador

KAKAIBA kung ituring ni Gardo Versoza ang kasalukuyang endorsement niya. Siya ang pinakabagong F2N Theobroma Ambassador o iyong mga produktong gawa sa cacao tulad ng Theobroma coffe, slimming juice, theobroma cacao superfood at iba pa.

“Bale si kumander, Ivy, muna ang kausap ng F2N and then ipinakilala ako. Tapos noong nagka-usap-usap kami, ang nakaantig sa akin eh ‘yung napaka-malapit ng pamilya F2N kay Kristo,” bungan ni Gardo.

“Siyempre bago tao maging successful sa isang adhikain natin, dapat ‘yun ang inuuna natin lagi. So automatic naramdaman ko na halos pareho kami ng frequency. Kaya noong ipinakilala na nila sa akin ‘yung produkto nila, mas madali nang maniwala. And then noong pinadalhan ako ng mga produkto, may mga ginamit na ako lalo na roon sa aking pagba-bike, at ipinatikim sa mga kapwa ko bikers, ang mga ka-grupo ko sa Cupcake Biker, at napakaganda ng resulta sa kanila.

“Katunayan, tinanong agad nila ako kung kailan uli ako magpapatikim? Ha ha ha. Ang sabi ko isang beses lang, at alam na nila ang kasunod niyon. Pero dahil part na tayo ng pamilya ng F2N, mayroon tayong special na priviledge lalo na sa pagbili ng products nila,” sambit ng actor sa isinagawang zoom conference noong Sabado ng hapon para sa kanilang The Big Surprise.

Bale dagdag si Gardo sa unang product endorser nilang si Aiko Melendez.

Ayon kay Josephine Roxas, Corporate Management Consultant ng F2N, hindi sila after sa sikat na endorser o big star. “Hindi ito ang tinitingnan natin kundi iyong life, journey, tulad ng kay Aiko na naging product user muna siya. Bumibili siya talaga sa atin bago natin siya kinuhang product endorser. Kaya nga noong may nagsasabing basher na ‘endorser lang naman ‘yan’ alam natin na hindi totoo. User talaga siya at naniniwala siya sa produkto natin.

“This time iba naman ang nakita namin sa taong ito. Nakita namin sa taong ito ‘yung kagustuhan to become a real real family person. Alam naman natin na napakataas ng value na ibinibigay natin sa pamilya rito sa ating kompanya. Iyong pagmamahal sa pamilya, iyong pagpapahalaga sa pamilya. Iyon ang isa sa nakita naming sa taong ito. At higit sa lahat kung paano niya binabalanse ang oras hindi lamang para sa kanyang trabaho kung hindi para sa kanyang mga mahal sa buhay. At higit sa lahat, hindi ko alam kung alam na ninyo ito, itong taong ito ay self confessed ‘mama’s boy’. Doon ako unang humanga, hindi nag-asawa hanggang hindi niya nairaos ang lahat-lahat para sa kanyang ina. Bihira ang ganoon na aaminin niya na mama’s boy or girl.

“Hindi rin siya iyong nahihiya na ipakita ang pagmamahal niya sa kanyang kabiyak at pagmamahal niya sa kanyang pamilya ay hindi nakakabawas sa kanyang pagkatao kundi nakakaganda pa. Higit sa lahat may values sa atin na naniniwala at gumagamit ng ating produkto, iyan po si Gardo Versoza,” mahabang pagpapakilala pa ni Ms. Jo kay Gardo.

Iginiit naman ni Gardo na importante sa kanila ang kalusugan. “Bukod sa F2N, every now and then hindi nawawala ang dasal, ‘yung pasasalamat sa Diyos, kumbaga iyan ang maggagabay sa atin kahit saan tayo magpunta. At kailangan din huwag nating aabusuhin ang ating mga kumbaga sa pagkain, regular ang pag-e-exercise na kahit papunta na tayo sa senior citizen kahit paano nakakasabay pa rin tayo sa mga bagets, lalong-lalo na sa pagti-Tiktok.”

Ukol naman sa pagbubuking ni Ms. Jo na mama’s boy siya, hindi ito itinanggi ng actor. Aniya, “Totoo ‘yun. Siguro parang ‘yun ang pundasyon namin eh para una lagi ang pamilya. And then ‘yung love para sa isa’t isa at mga magulang, respeto sa partner. So kung iyon ang foundation ko madali nang susunod lahat. At wala ka namang dapat ikahiya kung sinabing lalaki, hindi namang sinasabi na hindi ka dapat magluto, maglaba. Malaking bagay at malaking tulong ang mga produkto ng F2N para magampanan ang mga bagay o magpapatibay lalo sa inyo at sa samahan ninyo bilang pamilya.”

Aminado rin si Gardo na simula nang ipakilala sa kanya ang mga produkto ng F2N, kasa-kasama na niya ito sa kanyang daily routine. “Oo tulad ng coffee, every morning, so unlike before kumbaga parang minsan parang alinlangan ka baka ma-over. Ito iba eh, healthy coffee siya and at the same time habang iniinom mo iyong kape, alam mong produkto ito ng kapwa natin Filipino. O ‘di ba bakit kailangan nating mag-patronize ng iba kung mayroon naman tayong maipagmamalaki ng sa atin at napaka-sarap pa.”
Samantala, bukod sa pagti-Tiktok, aktibo na pala noon pa ang actor at asawa niya sa pagba-bike. Kuwento ni Gardo, “Way way back pa itong pagkahilig naming sa pagba-bike. Naghahanap kasi kami ng alternative na exercise ni kumander. Galing kami sa pagte-tennis at medyo nagkaka-edad na at parang mas mabilis na para sa amin ang tennis kumbaga, matindi na ang impact niyon sa tuhod, nag-divert kami sa biking.
“And then parang there was a time na naghihintay ako sa set, call ko eh 7:00 a.m. eh parang mga 3:00 p.m. hindi pa ako nakukunan, nakapag-isip ako na parang, bakit hindi ko i-try na makagawa ng charity habang nakakapag-exercise. Roon nagsimulang mabuo ang bike group na Cupcake Bikers. So parang isang malaking bike group and then nakakatuwa. Kung ano ang maise-share nila o pwedeng mai-ambag, like minsan may mababalitaan kaming mga nasunugan, ambag-ambag kami like clothes, pagkain, so nakakatuwa kasi sasadyain naming yung lugar na nasunugan sa pamamagitan ng pagbibisikleta. At the same time dala naming ang kaunting tulong.”
Naikuwento rin ni Gardo na may mga natulungan na rin ang grupo nila na mga kapwa niya artista tulad nina Dick Israel, Bernardo Bernardo at marami pang iba. May pinupuntahan din silang mga bata, matatanda tulad ng home for the aged.

“‘Yun din siguro ‘yung nabanggit ni Madam Jo kanina na hindi lang siya basta bike group dahil natural na ang pagtulong. At iba ang feeling na nakatulong ka kahit paano,” sambit pa ng actor.
Bukod sa pagpapakila bilang product endorser, ibinalita rin ng F2N na gagawan din nila ng infomercial ang kanilang produkto na ang mag-asawang Gardo at Ivy ang star. Bale first time itong gagawin ng F2N sa tagal na nila sa market. At dahil sika na Tiktokers ang mag-asawa, tiyak na magkakaroon din ng Tiktok ang Theobroma.

Maricris Nicasio

About Hataw Tabloid

Check Also

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *