Wednesday , December 25 2024

Seniors at mga estudyante, may special discount sa PPP4 pass

MARAMI pa rin talagang ayaw lumabas para manood ng sine kahit may mga nagbukas na sa ilang malls sa Metro Manila dahil sa pandemya ay mas gusto nilang manood na lang online kaya naman thru online na nga mapapanood ang mga pelikulang kasama sa Pista ng Pelikulang Pilipino 4 na aabot sa 170 films ang pagpipilian.

Ito ang hiniling ng moviegoers na sana habaan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang PPP4 film festival.

Ang orihinal kasing schedule PPP4 ay 16 days lang at dahil sa hiling ng marami ay magiging 44 na ito na magsisimula sa Oktubre 31 hanggang Disyembre 13 at para mapaunlakan ang final fine-tuning ng ibang pelikula sa PPP Premium Selection section.

Ang online PPP ngayong taon ay magkakaroon ng mixed format sa FDCP Channel platform (fdcpchannel.ph). Ang libreng video-on-demand (VOD) streaming ay para sa 80 short films at para sa isang full-length feature: ang restored version ng Anak Dalita ni National Artist for Theater and Film Lamberto V. Avellana. Ang libreng VOD streaming ay available sa mga nasabing petsa.

At ang iba pang full-length features ay magkakaroon ng scheduled livestream screenings sa apat na virtual cinemas (na pinagalanan sa Cinematheque Centres ng FDCP). Hindi lalagpas sa anim na screenings sa bawat pelikula ang napagkasunduan ng producers at FDCP para ma-minimize ang exposure sa piracy. Ang paid scheduled screenings ay mula Nobyembre 20 hanggang Disyembre 13.

Ayon kay FDCP Chairperson Liza Dino, “We are listening to our subscribers, producers, and the rest of our stakeholders in order to make the 4th Pista ng Pelikulang Pilipino a more inclusive solidarity event.

“Aside from announcing the PPP4’s extended duration, we are also pushing forth the ‘Sama All’ spirit by offering a wide array of events to further promote Philippine Cinema, encourage more viewers to learn about the art of filmmaking, and boost the thriving PPP community.”

Sa Oktubre 31 hanggang Disyembre 31, magkakaroon din ng PPP Short Film Showcase ng Philippine shorts mula sa CineMarya Women’s Film Festival, Sine Kabataan Short Film Competition, at 21 na regional film festivals.

Tampok sa CineMarya Shorts Premiere ang 12 na finalists ng CineMarya, isang short film lab na inisyatibo ng Department of the Interior and Local Government na may pakikipagtulungan sa FDCP, Quezon City Film Development Council, at Philippine Commission on Women.

Limang short films naman ang ipalalabas mula sa Sine Kabataan ng FDCP: ang mga nagwagi sa nakaraang tatlong edisyon nito kasama ang 2019 Jury’s Choice at Audience Choice. Sa Regional Shorts, 63 na pelikula mula sa iba’t ibang regional film festivals sa buong Pilipinas ang magbibigay ng spotlight sa regional cinema.

Libre ang screening ng restored version ng Anak Dalita (1956) ni Avellana na mapapanood sa Sandaan section sa buong PPP4 duration para mapanood ng mas nakararami bilang parte ng Sagip Pelikula Advocacy Campaign ng ABS-CBN na may pakikipagtulungan sa LVN Pictures.

Magsisimula naman sa Nobyembre 20 at mapapanood ng PPP subscribers ang lahat ng feature films sa sumusunod na sections: PPP Premium Selection, Romance, Youth and Family, Classics,

Pang-Oscars, Genre, Bahaghari, Tribute, Documentaries, PPP Retro, at Special Feature para sa Mula sa Kung Ano ang Noon ni Lav Diaz na higit sa limang oras.

Samantala, may Free Pass – Access sa PPP Short Film Showcase, Special Sandaan Screening, Full List of Films, Festival Calendar, Festival Guide, at PPP Public Events

Day Pass (PHP 99) – Access sa PPP Short Film Showcase, Special Sandaan Screening, Full List of Films, Festival Calendar, Festival Guide, PPP Public Events, Main Feature Film Showcase maliban sa Premium Selection titles, at Dalawang (2) Virtual Cinematheque Screens; valid para sa 24 na hours mula sa date of purchase at available simula Nobyembre 20.

Half-Run Pass (PHP 299) – Access sa PPP Short Film Showcase, Special Sandaan Screening, Full List of Films, Festival Calendar, Festival Guide, PPP Public Events, Main Feature Film Showcase maliban sa Premium Selection titles, Dalawang (2) Virtual Cinematheque Screens; valid para sa 12 na araw mula sa date of purchase at available simula Nobyembre 20.

At Premium Festival Pass (PHP 599) – Access sa PPP Short Film Showcase, Special Sandaan Screening, Full List of Films, Festival Calendar, Festival Guide, PPP Public Events, Main Feature Film Showcase kasama ang Premium Selection Showcase, Lahat ng Virtual Cinematheque Screens, Lahat ng Exclusive PPP Events (Q&A Sessions kasama ang Premium Showcase Cast at Director, Panel Sessions, Masterclasses/Lectures, Exclusive Access sa PPP Grand Virtual FanCon, at 15% off sa PPP Merchandise); valid para sa buong festival duration *May Early Bird Rate (PHP 450) para sa Premium Festival Pass na available hanggang Nobyembre 8.

May 30% discounts para sa mga estudyante at 20% para sa senior citizens sa Premium Festival Pass at Half-Run Pass. Magkakaroon din ng PPP4+1 Bundle promo.

Reggee Bonoan

About Hataw Tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *