ALAM ng actor-concert producer na si Joed Serrano, na ngayon ay nag-venture na rin sa film under his own movie outfit na Godfather Productions, kung paano sumugal sa isang negosyo.
At totoo naman dahil dalawa sa produce niyang concerts noon kina Vice Ganda at Alex Gonzaga ay parehong SRO sa Araneta Colesium.
Ngayong nasa paggawa na siya ng pelikula at nasa gitna pa rin tayo ng pandemya ay may alam na venue si Joed kung paano nila ipapalabas ang first project nilang
Anak Ng Macho Dancer na pagbibidahan ni Sean de Guzman. Ito ay obra ni Direk Joel Lamangan.
Dahil walang kasigurohan sa sinehan, puwedeng magkaroon ng special screening by schedule at puwede rin daw magbenta ng ticket online na uso ngayon na ‘yung mag-a-avail ng tickets ay puwede nilang mapanood sa kanilang bahay ang movie.
Menos gastos pa ito at hindi kailangan mag-effort na magbihis at lumabas. Saka naniniwala raw si Joed na basta’t maganda at dekalidad ang pelikula ay panonoorin.
All-star cast ang Anak Ng Macho Dancer na pawang mahuhusay ang kinuha nilang artista na kinabibilangan nina Rosanna Roces, Jaclyn Jose, Allan Paule, Emilio Garcia, Jay
Manalo, at bukod sa bidang si Sean ay introducing ang ilang indie actors tulad ni Miko Pasamonte na masyadong controversial ngayon dahil kilala sa pornsite.
Mukhang hindi lang papatok ang nasabing movie kundi puwede pang humakot ng local and international awards.
Si Henry King Quitain ang sumulat ng kuwento ng Anak Ng Macho Dancer at parte rin ng team ni Joed si Madam Grace Ibuna, Dennis Evangelista (line producer), at Jobert Sucaldito na publicist at supervising producer.
Samantala, sa pagbulaga ni Joed sa movie industry ay tatlong pelikula pa ang naka-line up nilang gawin kasama ang “The Loves, The Miracles, & The Life of Joed Serrano” na digital BL movie, gagampanan ito ni Wendell Ramos as Joed at Charles Nathan (young Joed) at si Direk Joel Lamangan pa rin ang magdidirek.
Nariyan rin ang Anak Ng Burlesk Queen at SIR.
Peter Ledesma