Saturday , November 16 2024

Natangay ng baha Quezon 2 menor de edad nawawala

PATULOY na pinaghahanap ng mga lokal na rescue team ang dalawang menor de edad na natangay ng rumaragasang baha habang tumatawid ng ilog kasama ang tatlong iba pa sa Barangay Ilayang Bukal, sa lungsod ng Tayabas, lalawigan ng Quezon, nitong Miyerkoles ng gabi, 28 Oktubre.

Patuloy na pinaghahanap ng DRMMO Rescue Team, Tayabas City Police, at Bureau of Fire Protection ang mga nawawalang batang kinilalang sina Irish Deraman, 13 anyos; at Derick Cervantes, 9 anyos.

Samantala, nakaligtas ang tatlong kasama nila na sina Jayson Oñate, 8; Jaycee Oñate, 10; at Bea Berlin Nebrea, 10.

Ayon sa ulat, dakong 6:32 pm kamakalawa, nang makatanggap ng tawag mula sa 911 ang Tayabas City PNP kaugnay sa insidente ng pagkalunod sa naturang lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na tumatawid ang limang mga bata sa ilog sa kasagsagan ng malakas na ulan.

About Hataw Tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *