Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Babaeng curfew violator ginahasa ng pulis-Bulacan

NAHAHARAP sa kaso at posibleng masibak sa puwesto ang isang pulis matapos akusahang nanggahasa ng isang babae sa bayan ng San Miguel, sa lalawigan ng Bulacan.

Sa ulat mula kay Region 3 Police Director Gen. Valeriano de Leon, kinilala ang suspek na si P/Lt. Jimmy Fegcan na miyembro ng San Miguel Municipal Police Sation (MPS).

Inakusahan si Fegcan ng isang 24-anyos babae ng panghahalay na sinasabing naganap nitong Miyerkoles, 28 Oktubre.

Napag-alamang inaresto ng suspek na pulis ang biktima dahil sa paglabag sa curfew noong madaling araw ng Miyerkoles pero imbes dalhin sa presinto at kasuhan ay ginahasa niya sa kanilang barracks.

Nakakulong na sa San Miguel MPS si Fegcan at nakatakdang hainan ng kasong paglabag sa RA 8363 o Anti-Rape Law.

MICKA BAUTISTA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …