IPINAGKALOOB sa 44 benepisaryo ng Free-Bis-Bike For Work Project ng Parañaque local goverment unit (LGU) ang mga bisikleta, bilang bahagi ng panimulang kabuhayan ng ilang residente sa lungsod.
Umabot sa 44 unang benepisaryo ng lungsod ang nabigyan ng tulong sa pamamagitan ng Free-Bis- Bike For Work Project.
Sa ginanap na Awarding Ceremony, 44 residente ng Parañaque ang pinagkalooban ng Bisikleta na may kasamang Helmet, Free-Bis Package (Rain Coat, Reflector Vest), Android Phone at P5,000 cash.
Pinangunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE), Parañaque LGU, at ng Public Employment Service Office (PESO) ang pagbibigay ng tulong financial at bike sa mga benepisaryo ng naturang proyekto.
Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ibinigay sa kanyang mga kababayan ang naturang tulong upang muling makapagsimula ng kanilang kabuhayan at makatulong sa kanilang transportasyon sa araw-araw bunsod ng tuloy-tuloy na pakikipaglaban ng lungsod sa pandemyang CoVid-19.