IKINATUWA ng Department of Health (DOH) ang walang tigil na kampanya ng Parañaque city government sa pagtugon sa CoVid-19 kasunod ng malaking pagbaba ng aktibong kaso ng virus sa lungsod.
Ito’y matapos bumagsak sa 94 ang active cases ng CoVid-9 nitong nakalipas na mga araw.
Sinabi ni Dr. Corazon L. Flores, hepe ng Metro Manila-Center for Health Development, nagampanan ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez at ng mga miyembro ¬ng Local Task Force CoVid-19 at medical frontliners ang pagtugon sa nakamamatay na virus.
Sa pinakahuling datos ng Parañaque Epidemio¬logy and Surveillance Unit (CESU), may kabuuang 6,597 ang confirmed cases na 6,337 o 96 porsi¬yento ang recoveries at 166 o 2.5% ang pumanaw.
Napag-alaman na ang Barangay Vitalez ay zero active case mula sa naitalang 116 confirmed cases, na may isang nmatay habang ang Barangay Sun Valley ay may isang active case mula sa 526 confirmed cases.
Ang mataong Barangay Bac¬laran ay may tatlong aktibong kaso, 352 ang gumaling tulad ng Barangay San Dionisio na may tatlong active cases mula sa 582 confirmed cases simula noong Marso.
Samantala, ang pinakamalaking subdibisyon, ang Barangay BF Homes ay bumaba sa walong active cases mula sa 737 confirmed cases.
Pinapurihan ng alkalde ang mga sakripisyo at katapangan ng mga doktor, nurses at iba pang frontliners sa paglaban sa CoVid-19.