Pumasa na sa Senate Committee on Local Government ang panukalang batas gawing anima ng legislative districts ng lalawigan ng Bulacan.
Batay sa House Bill 6867 na sinang-ayunan ng limang kinatawan ng Bulacan, mula sa kasalukuyang apat na distrito ay hahatiiin na sa anim na distrito ang lalawigan.
Lumagda bilang co-authors ang limang kinatawan na sina Reps. Jose Antonio Sy-Alvarado, Gavini Pancho, Lorna Silverio, Henry Villaria at Rida Robes.
Layunin nitong matiyak ang angkop at epektibong representasyon ng lalawigan ng Bulacan sa Kongreso alinsunod sa pagtaas ng populasyon mula pa nang simulang ipatupad ang 1987 Constituion.
Nakaayon sa probisyon ng Saligang Batas ang muling pagsasaayos na ito at pagbubuo ng bagong legislative districts kabilang na ang pagtalima sa kaukulang populasyon na 250,000 kada distrito.
Narito ang panukalang pagkakahati ng lalawigang Bulacan at kanilang populasyon batay sa HB 6867:
Unang Distrito – Calumpit, Hagonoy, Paombong, Pulilan, Bulakan at City of Malolos- 717, 820; Ikalawang Distrito – Baliuag, Bustos at Plaridel- 324, 728; Ikatlong Distrito – San Ildefonso, San Miguel, San Rafael at Dona Remedios Trinidad- 375, 671; Ikaapat na Distrito – Obando, Marilao at Meycauayan- 490, 245; Ikalimang Distrito- Guiguinto, Balagtas, Pandi at Bocaue-382, 409; at Ikaanim na Distrito – Sta. Maria, Norzagaray at Angat-427, 039.
Ang siyudad ng San Jose del Monte ay mananatili sa kasalukuyang katayuan nito na lone district kung saan si Congresswoman Ida Robes ang kumakatawan dito.
Micka Bautista