INILUNSAD ng Bureau of Corrections (BuCor) ang Oplan Bura Tatak sa maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Sabay rin ang ginawang bura tatak sa persons deprived of liberty (PDL) sa iba’t ibang penal colony na nasa ilalim ng Bureau of Corrections.
Inupahan ng BuCor ang mga tattoo artist upang tumulong sa Oplan Bura Tatak.
Gamit ang rotary, isa-isang binubura ng mga tattoo artist ang mga tatak ng kinaaanibang pangkat ng mga persons deprived of liberty (PDL).
Sinabi ni BuCor Director General Gerald Bantag… layon nitong wakasan ang mga gantihan sa mga miyembro ng mga pangkat.
Umaasa si Bantag na kundi man mawala ay mabawasan ang culture of violence sa mga pangkat o criminal gang.
Ito muna ang gagamitin na pambura sa mga tattoo ng mga PDL habang hinihintay ang pagbili ng laser equipment na pambura ng tattoo sa inmates.
Una rito, nagkaisa at nanumpa ang mga gang leader na suportahan ang programa ng Bucor na bura tatak.
Kasabay nito halos 100 piraso ng improvised deadly weapon, patalim at dalawang baril ang boluntaryong isinuko ng criminal gangs sa loob ng Bilibid.
Jaja Garcia