Tuesday , April 29 2025

Irene Aldana binigyan ng leksiyon ni Holly Holm

BINIGYAN ni Holly Holm ng masakit na leksiyon si Irene Aldana sa one-sided victory na napagtagumpayan ni Holm kontra sa Mehikana sa kanilang bantamweight match sa Flash Forum arena sa Abu Dhabi isang sabado nitong Oktubre.

Ginamit ni Holm ang maliksing paa, conditioning at top-notch wrestling para magwagi sa pinaniniwalaan ng mga fight aficionado na best performance ng mahigpit na karibal ng dating kampeong si Ronda Rousey na pinabagsak niya noong 2015 para mapanalunan ang titulo.

Iniskoran ng mga judge ang laban na 50-45 at 50-44 para kay Holm at batay sa Yahoo Sports, naging 50-45, pabor kay Holm.

Batay sa estadistika, may pinakamatinding depensa si Aldana sa hanay ng female fighters ng UFC, ngunit nagawang pabagsakin ni Holm nang limang beses.

Sa buong laban ay tumambak ang puntos ng nagwagi at muntikang pasukuin ang kalaban sa ika-apat na takedown.

“She’s a mover just like me, so I had to think about what I needed to do,” wika ni Holm sa pagtukoy sa husay ng kanyang katunggali.

Ngunit malinaw na lamang siya at kailanma’y hindi nabingit sa pagkatalo sa buong sagupaan.

“The wrestling and the kicks showed the growth in her game since she went to MMA in 2011 after a superlative boxing career. Holm is on the ballot now for induction into the International Boxing Hall of Fame,” wika ng isang UFC fan.

Ayon kay Holm, makaraang makapasok sa MMA, naging layunin niya nang pag-igihin ang kanyang estilo sa paglaban.

“I didn’t come to MMA to be a boxer in an MMA cage or in the Octagon,” aniya. “I came to be a complete mixed martial artist . . . I’m still green and I’m still learning.”

Sa kanyang pagkapanalo, hinirang si Holm bilang Number 2 sa bantamweight division, kasunod ni Brazilian champion Amanda Nuñes at Number 1 contender Germaine de Randamie ng Netherlands, na nagwagi kay American mixed martial artist Julianna Peña noong Sabado rin ng gabi.

Tracy Cabrera

About Hataw Tabloid

Check Also

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ …

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang …

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw …

AVC Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

AVC: Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

NANAIG ang Kaoshiung Taipower ng Chinese, Taipei, 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 kontra Petro Gazz Angels sa 2025 …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *