Tuesday , April 29 2025

Football Legend Pele, 80 — Still Alive and Kickin’

“THANK you Brazil,” wika ni football legend Pele—nakangiti pa rin sa pagsapit ng kanyang ika-80 kaarawan nitong nakaraang Oktubre 23.

Nag-iisang football player sa kasaysayan na nagwagi ng tatlong World Cup (1958, 1962, at 1970), nagdiwang si Edson Arantes do Nascimento, na mas kilala bilang Pele, ng kanyang kaarawan — tahimik, tulad ng kanyang ginagawa taon-taon, ayon sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

Itinuturing na ‘greatest footballer of all time’, nagdiwang siya ng kanyang ika-80 kaarawan habang ‘nakakulong’ sa kanyang tahanan sa Brazil sanhi ng CoVid-19, ngunit sinalubong niya ito with his trademark laugh.

Nakaranas ang tinaguriang ‘The King’ ng serye ng mga problemang pangkalusugan sa nakalipas na mga taon ngunit hindi nawala ang kanyang karisma o sense of humor: “I’m fine, it’s just I won’t be able to play,” pagbibiro niya sa video conversation nila ng pinuno ng Brazilian Football Confederation.

Sa kabila ng lockdown, may ilang tribute na ginawa para kay Pele sa Brazil — mula sa exhibit sa Sao Paulo Football Museum sa mural na ipininta ng kilalang street artist na si Kobra sa Santos, ang lungsod kung saan nagsimula si Pele ng kanyang professional career nang isa pa lang siyang 15-anyos na prodigy noong 1955.

Gumawa rin ng awit si Pele kasama ang Grammy-winning Mexican duo na Rodrigo and Gabriela, na pinamagatang “a little birthday present for his fans and himself.”

“Thank you to Brazil and all Brazilians,” inulit ng dakilang footballer.

“I was always very happy wearing this jersey. Thank you for all your warm wishes for my birthday,” isinulat niya sa Instagram, kasama ang kanyang larawan habang nagdiriwang ng isa sa kanyang 1,281 goal sa football.

Napakadakila ng kanyang pamana kaya binigyan siya ng Fédération Internationale de Football Association (FIFA) ng titulo bilang ‘greatest footballer of the 20th century’ noong 2000, kasabay ni Diego ‘El Diez’ Maradona ng Argentina, na magdiriwang din ng kanyang ika-60 kaarawan sa 30 Oktubre ngayong taon.

Isinilang si Pele sa lungsod ng Tres Coracoes sa timog-silangan ng Brazil, at makalipas ang anim na dekada ay nagpakita ng kahinaan ang kanyang pangangatawan.

Ayon sa anak ni Pele na si Edinho, isa ring mahusay na footballer, nagkaroon ng depresyon ang kanyang ama sanhi ng kanyang kalagayan sa kalusugan .

“Just imagine, he’s ‘The King’, he was always such an imposing figure and now he can’t walk normally,” punto ng ikalawang anak ng alamat na ngayo’y 50 anyos na.

Ngunit binawi ni Pele ang pahayag ng anak.

“I have good days and others that are less good. That’s normal for someone my age,” aniya.

“I thank God for giving me the health to make it this far lucid. Not very intelligent, but lucid. I hope when I die God will welcome me the same way I’ve been welcomed all over the world because of our beloved football,” kanyang pagtatapos nang nakangiti pa rin.

Kinalap ni Tracy Cabrera

 

About Hataw Tabloid

Check Also

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ …

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang …

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw …

AVC Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

AVC: Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

NANAIG ang Kaoshiung Taipower ng Chinese, Taipei, 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 kontra Petro Gazz Angels sa 2025 …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *