Sunday , February 16 2025

Bantay Bayan sa Tarlac pinagkalooban ng ayuda

KATUWANG ang City Social Welfare and Development Office (CSWD) sa ilalim ng programang Assistance in Crisis Situation (AICS), binigyang ayuda ng pamahalaang lungsod ng Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles ang unang batch ng mga Bantay Bayan sa 17 barangay na kabilang sa kabuuang 76 barangay ng siyudad, sa lalawigan ng Tarlac.

Ayon kay Mayora Angeles, napakahalaga ang ginagampanang papel ng mga Bantay Bayan na hindi alintana ang pagod na umiikot  sa pagroronda upang masawata ang krimen at sa pagpapatupad ng mga health safety protocol upang maiwasan ang pagkalat ng CoVid-19.

Pinabaunan din ng masks, face shields, at alcohol ang mga Bantay Bayan sa nasabing programa.

Raul Suscano

About Hataw Tabloid

Check Also

Richard Nixon Gomez Rigel Gomez BauerTek Marijuana Cannabis PDEA

Joint Rewards Committee Meeting on Extraction of Oil from Marijuana in Aid of Policy Enhancement

IBINAHAGI nila Scientist/Inventor Richard Nixon Gomez at ng kanyang anak, ang kapwa imbentor na si …

DOST Region 1 Takes the Lead to Modernize Laoags Transportation with Smart Solutions

DOST Region 1 Takes the Lead to Modernize Laoag’s Transportation with Smart Solutions

The Department of Science and Technology – Region 1 (DOST-1), through its Provincial Science and …

Taxi

Sa Caloocan  
Taxi driver hinoldap magpinsan timbog

ARESTADO ang dalawang lalaki matapos holdapin ang isang taxi driver sa Bagong Barrio, sa lungsod …

021425 Hataw Frontpage

14-anyos ginapang ng erpat ng nobyo ex-future biyenan kalaboso

HATAW News Team DINAKIP ng mga awtoridad ang isang 39-anyos lalaki matapos akusahan ng panggagahasa …

House Fire

Warehouse sa Marikina tinupok ng apoy

TINUPOK ng malaking apoy ang isang warehouse sa Brgy. Malanday, sa lungsod ng Marikina, nitong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *