Friday , November 15 2024

2 gun runner, todas sa enkuwentro sa Rizal (Pinagbentahan ng armas nagkalat)

PATAY sa enkuwentro ang dalawang hinihinalang ‘gun runner’ habang nagkalat ang libo-libong perang pinaniniwalaang pinagbentahan ng armas, nang magkabarilan nitong Miyerkoles ng madaling araw, 28 Oktubre, sa Sitio Kawayan Farm, sa bayan ng Pililla, lalawigan ng Rizal.

Kinilala ni P/Maj. Joel Custodio hepe ng pulisya ang isa sa namatay base sa identification card na nakuha sa kaniyang katawan, na si Jake Pongal Anden, nasa hustong gulang.

Ayon sa mga awtoridad, dakong 3:15 am kahapon, nang paputukan ng dalawang suspek ang mga tauhan ng Pililla PNP at Anti-Carnapping Group na nauwi sa ilang minutong bakbakan ng putok sa Sitio Kawayan Farm, Barangay Halayhayin, sa nabanggit na bayan.

Nauna rito, ayon kay Custodio na nagsagawa sila ng operasyon kasama ang mga operatiba ng AKG dahil magkakaroon umano ng bentahan ng armas mula sa mga suspek at asset ng pulisya.
Hawak ng pulis ang ibinentang baril na kalibre .45 at binibilang ng isa sa suspek ang P30,000 peso bills nang makatunog na alagad ng batas ang katransaksiyon.

Dito nagkaroon ng barilan na agarang ikinamatay ng mga suspek.

Dinala sa pinakamalapit na punerarya ang mga bangkay para isailalim sa awtopsiya habang nagsasagawa ng follow-up operation ang mga operatiba upang matukoy ang grupong kanilang kinaaaniban.

Edwin Moreno

About Hataw Tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *