Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

16-anyos dalagita niluray ng tanggerong katagay

SA LABIS na pagtitiwala sa mga kaibigan, isang dalagita ang nagahasa ng isa sa kanyang mga kaibigan matapos malasing sa isang inuman sa lungsod ng Meycauayan, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 27 Oktubre.

Sa ulat na ipinadala ng Meycauayan City Police Station (CPS) kay P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan police director, kinilala ang suspek sa panggagahasa na si Stanley Aquino, nadakip sa Barangay Caingin, sa naturang lungsod.

Batay sa naging pahayag ng 16-anyos biktima na itinago ang pangalan, nagkaroon sila ng inuman ng lima niyang kaibigan kabilang ang suspek.

Dahil ang suspek ang siyang tagatagay o ‘tanggero,’ lagi niyang binibigyan ng tagay ang dalagita na dahilan na kaniyang mabilis na pagkalasing.

Matapos ang mahabang oras ng inuman, tuluyan nang bumigay ang dalagita na nakatulog dahil sa kalasingan.

Dito na sinamantala ng suspek ang situwasyon, hinubaran ng saplot ang lasing na dalagita at saka walang awang ginahasa.

Nang magising ang dalagita at malaman ang nangyari sa kaniya ay dali-dali siyang umuwi ng bahay at isinalaysay sa ina ang insidente na kagyat humingi ng tulong sa mga barangay tanod.

Agad naaresto ang suspek bago makatakas at inilagay sa kustodiya ng Meycauayan CPS na nakatakdang sampahan ng kasong rape.

Micka Bautista

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …