Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yasmien, nasa listahan na ng TikTok millionaires

ISANG throwback video ng kanilang mother-daughter bonding ang ibinahagi ni Yasmien Kurdi sa kanyang Instagram na tumutugtog sila ng kanyang anak na si Ayesha ng piano.

Sa caption ng video, ikinuwento ni Yasmien na mas nakilala niya ang anak sa gitna ng pandemya.

Aniya, “Ang dami kong na-discover sa baby ko ngayong #StayAtHome, mas nakakapag-bond kami, nanonood ng movies together, ‘yung tipong naubos na namin ‘yung mga palabas for kids sa #netflix, kaya naman gumagawa kami ng mga fun activities dito sa bahay.

“Pero since last year pa naman bago pa mag-pandemic, nahilig na talaga si AZ mag-piano kaya naman pina-piano lesson namin siya kay Teacher Joanne last year ng mga April. Tapos ngayon, Voila! nakatutuwa! ang galing na niya … pagaling siya ng pagaling mag-piano everyday…,” dagdag pa niya.

“Pati ako tinuturuan niya pero ‘di ko pa rin ma-gets haha! Siguro dahil iba talaga kapag bata ka pa nag-start mag-aral ng piano. Sharing this video sa inyo… #throwback video, early this year noong kaka #lockdown palang sa Metro Manila #mylittlepianist #FurElise #icanthelpfallinginlovewithyou,” lahad pa ng Kapuso actress sa kanyang post.

Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …