Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

ROSANNA ROCES CAST RIN NG “ANAK NG MACHO DANCER” PRODUCED NI JOED SERRANO (May agandang alok sa isang malaking movie outfit)

ISANG kilalang bigwigs ng major movie outfit, ang malaki ang paghanga kay Rosanna Roces hindi lang
sa husay umarte ng actress kundi sa pagiging isa sa icon sa movie industry.

Oo nga naman after gumawa ng maraming blockbuster sexy movies ni Rosanna sa Seiko Films ay naging serious dramatic actress siya sa Reyna Films ng namayapang Armida Seguion Reyna at ng Star Cinema. Lima sa pinakatumatak na pelikula ni Osang sa publiko ang Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin, Ang Lalaki Sa
Buhay Ni Selya, Babae Sa Bintana, La Vida Rosa, at ang pinagtambalan nila ni Christopher de Leon sa Viva na Katawan, samantala ang Patikim Ng Pinya naman ang pinaka highest grossing film ng Seiko, at wala pang nakatalo rito.

Then from a serios actress ay naging reyna rin ng talk show (Startalk) si Osang at sa sitcom na ginawa rin sa GMA katambal sina Bossing Vic Sotto at late Rudy Fernandez. Maging sa concert scene ay bumenta at naging in-demand si Rosanna. Ngayon ay marami pa rin offer sa kaibigan naming actress at bukod sa interesado sa kanyang malaking movie outfit ay pasok rin si Osang sa obra ni Direk Joel Lamangan na Anak Ng Macho Dancer.

May dalawang movie na rin siyang tapos gawin sa Viva at kay Direk Joven Tan ay ‘yung BL Series na idinirek naman ng kaibigan niyang prolific director na si Adolf Alix, Jr.
Excited na si Osang makatrabaho uli si Direk Joel sa proyektong ito ni Joed Serrano. Una siyang naidirek ni Lamangan sa Hustisya na pinagsamahan nila ni Nora Aunor. Ipinalabas ito sa Cinemalaya. Thumbs up ang actress sa husay at galing ng nasabing director.

Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …