Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bistek, personal choice para maging tatay ni Kathryn

PERSONAL choice si Herbert Bautista ni direk Olive Lamasan na lumabas na tatay ni Kathryn Bernardo sa digi-series na The House of Arrest of Us.

Dumaan si Herbert sa swab test pati lahat ng kasamang artista, production staff and crew.

“Ang fear ko, ang fear ng lahat kasi nga nasa loob ka ng pandemic, kasi first ng lahat na mag-shoot sa pandemic, takot sila lahat, so noong nag-negative, kapaan pa baka may mga sakit pa.

“Hanggang sa gumaan nang gumaan ang shoot. Nice to work with KathNiel dahil kaibigan ng mga anak ko ‘yan.

“The experience is good! I’d like to thank Inang (Olive Lamasan). Ako ang tatay ni Kath. I am also very grateful na si Inang ang tumawag sa akin to offer the chance to work with KathNiel,” pahayag ni Hebert nang aming makausap.

Nanibago siya sa lock-in. Hindi gaya noon na pag-lock-in sa shooting, ilang araw lang then uwi na.

“My psychological factor noong 8th day na. Tapusin na natin ‘to. Pero gumaan dahil nag-bonding kami. Kain, trabaho. Ganoon lang,” sabi pa ni Bistek.

Irritating man ang swab test at ayaw niya, “Pinagalitan ako ni Harlene (Bautista, his sister). ‘Ano ba, Kuya? Ang daming naghahanap ng trabaho nag-iinarte ka!’ Ha! Ha! Ha! Sige, sige,” sey ni Herbert.

Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …