Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Beauty titlist Ms. Faye Tangonan 3 international acting awards nakamit sa film na TUTOP (Masaya sa personal na buhay at career)

Aside sa pagiging beauty title holder na Ms. Hawaii Filipina (2017), Ms. Philippine Earth, at Ms. Universal International of 2018, isa nang ganap na actress ang realtor sa Honolulu, Hawaii na si Ms. Faye Tangonan na owner rin ng Beachside Food Park sa lugar nila sa Claveria Cagayan.

Yes tatlong international major awards na Best Supporting Actress para sa suspense-drama-thriller
movie na ‘Tutop’ ang iginawad kay Faye sa Tagore International Film Festival (India), Oniros Film Festival (Italy) at sa Hollywood USA na Festigious Int’l Film Festival.
Kasama ni Ms. Faye sa Tutop ang gumanap na bidang si Direk Romm Burlat at actor-singer na si Ron Macapagal at si Marc Gabas ang kanilang director sa nasabing film na may release rin abroad.
Well for us, base sa teaser ng Tutop na aming napanood, kahit naturingang newcomer ang nasabing petite beauty queen sa showbiz at pag-arte ay deserved niya ang napanalunang 3 International Best Supporting Awards dahil natural siyang umarte at ipinanganak na yata siyang actress.
Natengga man nang pitong buwan sa Claveria,
Cagayan dahil sa matagal na lockdown ay masaya at feeling fullfiled si Faye. Bukod kasi sa kanyang pamilya, kasama niya ang kanyang supportive na special someone singer-actor na si Lester Paul Recirdo at ang kanilang bundle of joy na nagpapasaya sa kanila na si Baby Sky. Lumalaking cute at guwapo tulad ng kanyang daddy Lester.
Sila rin ng partner niya ang nagpapatakbo ng resto sa kanilang resort sa Cagayan at nasa kanila raw ang Best Chef kaya magugustohan ng lahat ang kanilang mga food. Missed na rin nilang pareho ni Lester ang showbiz pero habang hindi pa nagbabalik sa normal ang sitwasyon ay negosyo na lang muna nila ang kanilang aatupagin.
Nasa Hawaii pala ngayon si Ms. Faye at ‘yung matagal nang realty business ang kanyang
tinututokan rito.

Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …