Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andrea del Rosario, grateful sa pagiging iSkin brand ambassador

LABIS ang pasasalamat ng dating Viva Hot Babe na si Andrea del Rosario dahil kahit na panahon ngayon ng pandemic ay may mga dumarating pa rin sa kanyang blessings.

Una na rito ay nang finally ay naibalik ang unang investment niyang bahay mula nang naging artista.
Esplika ni Ms. Andrea, “I’m okay naman na I’m not taping yet because I am busy with the renovation of my house in BF. I am renovating the house and renting it out. Ito iyong unang house ko when I became an actress. Nagka-case iyon and I won the case.”

Gaano katagal inabot ang case? Ano ang na-feel niya na naibalik na sa kanya ang bahay na pinaghirapan niyang ipundar?
“Naku, inabot ng 15 years ang case! Pero super blessed pa rin, because nag-double or nag-triple na ang price ng house,” aniya pa.

This November ay nakatakda na siyang sumalang sa camera sa show ng Viva sa TV5 titled Kagat ng Dilim. Game ba siya sa lock-in taping or shooting?
“Regarding sa lock in, parang hindi pa because of Beatrice (daughter ni Andrea), kawawa… But because my boyfriend is coming back na from the US, baka puwede na.”
Ang aktres/public servant ang latest brand ambassador ng iSkin Aesthetic Lifestyle, located sa Park West 7th Ave. corner 36th St. BGC 1235 Taguig.
Ipinahayag ni Ms. Andrea ang kagalakan sa bagay na ito. “Iyong iSkin is one of the most reputable skin care company on the country kaya grateful akong maging part nito. And marami akong kasamang mga artista as brand ambassadors like Regine Tolentino, Lotlot de Leon, etcetera.
“lsa pang rason para maging grateful, also because kahit paano, all my siblings, lahat may trabaho, hindi nawalan. Knowing that marami ang nawalan ng work this year… I may not have regular shows, but God blessed me by making me win that case and also we still have that family business na we are trying to open before the end of the year,” pahayag pa ng aktres.

Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …