Saturday , December 28 2024

Salamat sa pandemya: Beatle legend maglulunsad ng Lockdown hit

INIHAYAG ni Beatle legend Paul McCartney na ilalabas niya ang ikatlo sa trilogy ng kanyang self-titled solo albums ngayong taon, makaraang bigyang buhay muli ang hindi niya nakompletong mga musika sa gitna ng coronavirus lockdown.

Kasunod ng latest record ng British legend na McCartney III, na ilulunsad sa nalalapit na 11 Disyembre, ang ilang buwang pagpupursigi ni McCartney sa kanyang home studio sa Sussex sa katimugang Inglatera sa mga dating nasimulan at mga bagong awitin.

Ang sinasabing ‘Lockdown Hit’ ay pawang isinulat, produced at performed ni McCartney, na umaming wala sana siyang planong maglabas ng album ngayong taon hanggang mapilitan siyang manatili sa loob ng kanyang tahanan nang ilang buwan sanhi ng kasalukuyang pandemyang coronavirus.

“I had some stuff I’d worked on over the years but sometimes time would run out and it would be left half-finished so I started thinking about what I had,” wika ni McCartney sa panayam ng British Press Association news agency.

“Each day I’d start recording with the instrument I wrote the song on and then gradually layer it all up, it was a lot of fun,” dagdag ng 78-anyos Beatle.

“It was about making music for yourself rather than making music that has to do a job. So, I just did stuff I fancied doing. I had no idea this would end up as an album.”

Makakasabay ng paglunsad ng McCartney III ang ika-50 anibersaryo ng unang self-titled solo endeavor ng music legend, na inilabas bago maghiwalay ang The Beatles noong 1970.

Isang follow-up, ang McCartney II, ang sumunod makalipas ang isang dekada.

Ang latest collection ng mga track ay binuo mula sa mga live take ni McCartney sa vocals at gitara o piano, bago nag-overdubbing sa kanyang pagtugtog ng bass at pagpalo sa drums, ayon sa PA.

Sinabi niya na nagbalik si McCartney sa unreleased track mula sa 1990s na When Winter Comes, na co-produced ng yumaong producer ng The Beatles na si George Martin.

Ang mga larawan sa bagong album ay mga kuha ng anak na babae ni McCartney na si Mary McCartney, na may mga karagdagang imahen rin mula sa pamangkin ng alamat na si Sonny McCartney habang mayroon mismong mga kuha ng kanyang sarili si McCartney sa kanyang telepono.

Kinalap ni TRACY CABRERA

About Hataw Tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *