Monday , November 18 2024

Kauna-unahang Miss Universe Philippines, kontrobersiyal agad

HISTORICAL ang katatapos lang na Miss Universe Philippines sa Baguio City.

Historical dahil kauna-unahan ito ng isang bagong grupo na “naagaw” sa Bb. Pilipinas Charities ang franchise na pumili at magpadala ng kandidata sa napakasikat at prestigious Miss Universe Pageant. Limampu’t limang taon na ang organisasyong pinamumunuan ni Stella Marquez-Araneta, na siyang nangangasiwa sa pagpili ng kandidata natin Miss Universe.

Miss Universe Philippines Organization ang simpleng pangalan ng titulo ng organisasyong nagdaos ng una nitong patimpalak sa pamumuno ng dating Bb. Pilipinas Universe, Shamcey Supsup. Noong October 23 idinaos ang finals na ang resulta ay ipinabatid sa madla noong Oktubre 25 ng umaga. Ang Miss Iloilo City na si Rabiya Mateo, 24, ang itinanghal na kauna-unahang Miss Universe Philippines.

Memorable ang event ng pagpili sa kanya dahil agad itong naging kontrobersiyal.

Bandang alas singko ng umaga noong October 26, ipinost ni Sandra Lemonon, isa sa mga contestant na nakasali sa 16 finalists pero hindi sa limang nagwagi, ang mensaheng ito:

“Get ready loves, tomorrow I will be announcing big news, it’s time to be honest and speak facts.”

Bandang 11:00 a.m., naglabas ng isa pang cryptic post si Sandra.

“[open eye emoji] the truth always comes out [cooking egg emoji]

“It’s just about timing [heart emoji]

“Karma is real [coffee, clock emojis]

“Because we deserve justice.”

Mas matindi na ang ikatlo niyang cryptic post.

Sabi niya (published as is):

“Get your tea [heart emoji]

“Accepting defeat graciously is one of many mark of being a queen [heart emoji]

“But what you forgot to say

“Is that REAL queens

“Play FAIR don’t CHEAT.”

Actually parang sagot ‘yon sa post ni Shamcey na noong bandang 2:00 p.m. noong October 26 ay nag-post sa kanyang Instagram Story ng mensaheng ito: “To bear defeat with dignity, to accept criticism with poise, to receive honors with humility — these are the marks of a true QUEEN.”

Ang isa pang beauty queen, si MJ Lastimosa, ay nag-post din ng mensaheng kahawig ng kay Shamcey.

Tweet ni MJ na may tatlong beses sumali sa Bb. Pilipinas bago n’ya napanalunan ang titulo: “BBP2012 [Bb. Pilipinas 2012] taught me my greatest pageant lesson in life.

“A true queen is someone who can accept defeat and rise above it. A crown doesn’t define us, we define it.

“This is not the end but only the beginning for our #MissUniversePhilippines girls.

“Congratulations everyone.”

Hindi mapigil si Sandra sa pagpo-post ng hinaing at akusasyon n’ya, mas lalo na ang mga netizen na mahilig sa beauty pageants. Sa Twitter naman nagri-react ang karamihan sa kanila. May ilang nakapuna na wala si Michelle Gumabao sa press pictorial ng limang nagwagi. Tambak ang mga nag-react sa misteryong ‘yon kaya’t biglang nag-trending sa Twitter ang dating Ateneo volleyball player na kapatid ng aktor na si Marco Gumabao.

Ang nakunan lang na magkakasama ay sina Miss Universe Philippines Rabiya Mateo, first runner-up Ysabella Roxas Ysmael (Parañaque), third runner-up Pauline Cucharo Amelinckx (Bohol), at fourth runner-up Billie Hakenson (Cavite).

Naglabas ng kanyang official statement si Michele sa pamamagitan ng Instagram account ng Aces & Queens, ang pageant training camp na naghanda sa kanya para sa MUP.

Deklara n’ya: “To all my Michelin stars thank you for being with me on this journey!

“I love each and everyone of you! Thank you for all your support! Til the very end Laban!

“I left this morning sa bcc while the pageant was on going.

“I knew who won last night pa I tried to go to our viewing party but everyone kept asking what happened all the hugs all the looks i couldnt handle that.

“I can handle defeat hahahaha I can’t handle the people asking me why why why…

“I’m sharing this with you because you deserve to know my side, we don’t need to defend to anyone.

“I did my very best and I have no regrets.”

May naglabasan na rin sa social media na kaya napakaayos at napakahusay ni Rabiya sa Question and Answer segment ng pageant ay dahil may nakapagbigay sa kanya ng kopya ng mga ito.

Sa isang interbyu sa TV5 ni MJ kay Rabiya, sinagot n’ya ang paratang na ‘yon. Lahad n’ya: “To be honest po, maybe I wasn’t a frontrunner so people didn’t expect me to win and now that I have the crown…

“I’m sorry I’m being emotional. They’re questioning my capability as a person, as a candidate… but I know that I did everything and anything that I could during that night and ibinigay ko talaga.

“And ‘yung mga nagsasabi na the question was given to me that’s why I answered that way, it wasn’t given po sa akin.

“I did everything that I could because I want to make Iloilo City proud,” paliwanag ni Rabiya.

Nasaktan si Rabiya sa mga paratang laban sa kanya. Gayunman, hindi siya nagbitaw ng mga salitang posibleng ikagalit na naman ng detractors niya.

“Of course it was painful because there are things na you can settle by talking with each other.

“At the end of the day, this is a competition and being the bigger person in the picture, I need to understand where they are coming from,” makahulugang pahayag ni Rabiya.

Sa kabila ng mga paratang, may mga nagsasabi namang wala nang dapat ipag-alala si Rabiya dahil mas marami ang naniniwalang siya talaga ang karapat-dapat ipadala ng Pilipinas sa 69th Miss Universe.

Danny Vibas

About Hataw Tabloid

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *