Sunday , November 17 2024

Dinosaur naghahatid ng libreng pagkain sa mga kabataan

MARAMING pagbabago ang idinulot ng pandemyang coronavirus sa ating lipunan, kabilang ang pagsusuot ng face mask at face shield, pagdistansiya sa kapwa at pagkuwarantina sa mga indibiduwal na nagpapakita ng sintomas ng sakit na CoVid-19.

Lahat ng mga pagbabago o sistemang ito ay may layuning pigilan ang pagkalat ng pandemya, na kumitil sa milyong buhay ng mga inosenteng tao at impeksiyon sa milyon-milyon pang iba.

Ang pandemya ay naging sanhi rin ng restriksiyon sa kalayaan nating makalabas ng ating mga tahanan, makapunta sa ating mga kaibigan at gayondin sa ating trabaho na ang karamihan kun hindi man nagsara ay pansamantalang natigil ang operasyon.

Kaya nga karamihan sa atin ay nagsasagawa ngayon ng mga bagay na angkop sa pagbibigay ng proteksiyon sa ating mga sarili kontra sa bagong coronavirus o ang CoVid-19.

Bunsod nga nito ay nagsagawa ang popular na palatuntunang para sa kabataan na Sesame Street sa Middle East na magpatupad ng kanilang pamamaraan para makasunod sa minimum health protocols, partikular sa ‘social distancing.’

Ipinapairal ngayon sa produksiyon ng popular na palatuntunang kabataan ang mahigpit na alituntunin kaya ang mga gumaganap na mga muppet dito ay isinasagawa ang kanilang pag-arte sa kani-kanilang tahanan para makaiwas sa magkalapit ang isa’t isa para makatulong sa paskontrol sa paglaganap ng CoVid-19.

Sa Inglatera, nakaisip din ang mga volunteer na sina Joe Parsonage at Sam Bryan ng kakaibang pagde-deliver ng libreng pagkain sa mga kabataan habang nasa kanilang mga tahanan ang mag-aaral na kalahok sa bagong usong online at distance learning module.

Nakunan ng video ang kakaibang pamamaraan nina Parsonage at Bryan: Isang malaking dinosaur ang nakunang gumagala sa mga lansangan ng Machester at Wirral para maghatid ng ‘free school meals’ sa mga batang mag-aaral sa gitna ng pandemya sa nasabing bansa.

Gamit ng magkaibigang volunteer ang dinosaur na si Jam the T-Rex para sa mga workshop ngunit ngayo’y nakatutulong ito para mabigyan ng kasiyahan ang mga kabataan para malabanan ang kalungkutan at ang agam-agam dulot ng coronavirus.

Ang nakatutuwa pa rito ay napapaalalahanan ang mga bata ukol sa social distancing dahil tinitiyak ni Jam na malayo siya sa kanila kapag naghahatid ng mga libreng pagkain sa bahay-bahay.

Tracy Cabrera

About Hataw Tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *