DAHIL sa pandemya ay nawalan ng regular show si Vina Morales bukod pa sa mga naudlot niyang show sa ibang bansa ngayong 2020. Mabuti na lang may TV guestings ang singer/actress sa NET 25 kaya malaking tulong ito para sa daily needs nilang mag-ina bukod pa sa ibang bayarin.
Kaya naisip ng aktres na muling magnegosyo para may pandagdag sa gastusin dahil ang Ystilo Salon ay hindi rin fully-operational ngayon, ayon na rin sa Ate Sheila Magdayao niya na namamahala.
Sabi ni Sheila, “Hindi pa kami regular sa office, next year pa (2021) talaga ang plano, takot pa mga taong lumabas. Observe muna namin.”
Hindi naman bago na kina Sheila at Shaina ang pagne-negosyo dahil ito ang nakamulatan nila noong mga bata pa sila sa Bogo, Cebu dahil mahusay sa negosyo ang magulang nila.
Siyam na taon si Vina nang lumuwas ng Maynila dahil nadiskubre siya ng taga-Viva at ginawang contract star hanggang sa nakilala na nang husto. At ng makaipon ng puhunan ay nagtayo sila ng ate niya ng Ystilo Salon na 22 years na ngayon with 27 branches nationwide.
At sa bagong negosyo ni Vina ay hindi sila sosyo ng ate Sheila niya, “Ay solo niya ‘yun, hindi kami sosyo. I think inaayos pa niya ‘yun, kakasimula palang.”
Anyway, base sa post ng singer/actress sa kanyang IG account tungkol sa mga produkto niya, “Bata pa lang ako, mahilig na po talaga akong mag-isip at gumawa ng negosyo. Naniniwala ako na maliit man o malaki na negosyo, kita pa rin ‘yun at makatutulong pa rin sa ating kabuhayan.”
At may video post si Vina na nagsasalin ng sukang timplado sa mga boteng long neck mula sa malaking kaldero at tinawag niyang Sukang Binisaya na siya mismo ang nagtimpla.
Aniya, “I love to do business po small or medium po. Masipag po ako. Pasensya na hindi na pwede ilagay ang ‘Pinakurat’ word sa business. Let’s change po. Sabi ni Atty. Lucille, ‘Sukang Binisaya’ na lang. Let’s use that po.
“Sa lahat na hindi pwede mag-mention ng Pinakurat sa business nila po. Ayaw ko ng issue. Maliit na bagay lang po ang Pinakurat, basta INDAY BEENA’S BEST po tayo.
“Sa mga mahilig magnegosyo katulad ko. Available na po ang INDAY BEENA’S BEST PRODUCTS. Lahat po eto ay gawa namin with Love.
“Ngayon po ay ready na po kami tumanggap ng mga Distributor. Please FOLLOW US IndayBeenasBest FB PAGE. To know more about the details, please get in touch at 0968-888-(8462) that is (VINA) para mabilis tandaan. Bukod sa Sukang Binisaya ay may gourmet tuyo, daing, baggoong at peanut butter pang produkto si Inday Beena.
Reggee Bonoan