Saturday , November 16 2024

Palasyo dumistansiya sa House probe ng 2019 SEA Games

DUMISTANSIYA ang Palasyo sa ulat na planong imbestigahan ng Kongreso ang ginastang pondo ng bayan sa 30th Southeast Asian (SEA) Games na idinaos sa Filipinas noong nakaraang taon.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng mga panawagan para busisiin ng Kongreso ang umano’y mga iregularidad sa 2019 SEA Games lalo na ang usapin na may utang na P387 milyon ang Philippine SEA Games Organizing Committee’s (Phisgoc) sa mga supplier.

Si dating Speaker Alan Peter Cayetano ang chairman ng Phisgoc.

Ayon kay Roque, noon pang nakaraang taon ay nagbuo na ang Ombudsman ng isang panel para imbestigahan ang isyu ng 2019 SEA Games.

“We welcome this move of the OMB in the same way that we leave the matter to the House of Representatives to conduct an investigation, if need be, on the use of government funds during last year’s SEA Games,” ani Roque sa kalatas.

Giit niya, ang matagumpay na hosting ng Filipinas sa 2019 SEA Games ay nagpamalas din ng husay hindi lamang ng mga local na atleta

“Let us, therefore, not dishonor the men and women who gave honor and glory to the country by engaging in political innuendos and witch hunt,” aniya.

Sa ginanap na Senate budget hearing para sa Philippine Sports Commission (PSC) and Games and Amusement Board, sinabi ni PSC Executive Director Guillermo Iroy na nakatatanggap sila ng demand letter na sinisingil ang kanilang ahensya ng utang na P387 milyon.

(ROSE NOVENARIO)

About Hataw Tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *