Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ogie Diaz at Donita Nose, niresbakan si Michelle

NAGMUMUKHANG “tokwang-tokwa” ngayon ang mga naniwala roon kay Michelle Lhor Banaag, na inaapi sila at ginugutom pa ng komedyanteng si Super Tekla. Inakusahan pa niyon si Tekla na pinipilit siyang makipagtalik kahit na masama ang kanyang pakiramdam, at gumagawa ng kahalayan kahit na may kaharap na mga bata. Matapos na may mga naniwala sa kanya at inakusahan si Tekla ng abuso at sinabihang dapat makulong, naglabasan naman ang mga nakakakilala sa kanila.

Nauna nang nagsalita ang manager ni Super Tekla na si Rose Conde, at sinabing hindi totoo ang sinasabi ni Michelle, at ang totoo ay nagagalit lang iyon dahil hindi niya mahingan ng pera ang komedyante. Umayon din naman doon ang komedyante ring si Donita Nose at maging ang komedyante at writer na si Ogie Diaz.

Pero ang matinding lumabas ay iyong sinasabi ng isang Marlon Limpin, na nagpakilalang manager siya ng Klowns, at nagsabing gamit ang cellphone ni Super Tekla habang tulog ang komedyante, umutang si Michelle ng P20K. At dahil inakala niyang si Tekla talaga iyon, pinautang niya. Ginawa rin daw iyon ni Michelle kina Donita Rose, Boobay at maging kay Rose Conde.

Pero ang pinakamatindi ay ang sinabi ng apo ni Mang Dolphy na si Rowell Quizon na isa ring singer sa comedy bar. Sinabi niyang abusado si Michelle at niloloko lang si Tekla, dahil iyang si Michelle ay “tomboy at may jowang babae na kasama mo pa kung nagpe-perform si Tekla.” Kasama raw ang iba pang mga kaibigan, nagkikipag-inuman si Michelle na ang nagbabayad ng lahat ay si Tekla. “Kung minsan abonado pa si Tekla dahil mas malaki ang binayaran sa inuman nila kaysa kinita niyong tao. Pero hindi siya kumikibo dahil mahal ka niya.”

Marami ang natauhan, maski kami rin, nang mabasa namin ang post na iyon ni Rowell. Talagang masasabi mong “tokwang-tokwa” ka talaga kung naniwala ka kay Michelle.

Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …