INAIIMBESTIGAHAN ng ilang kongresista ngayon ang sinasabing “blocktime deal” ng ABS-CBN sa ZOE TV. Iyong pagba-block time, legal iyon pero ang tinatanong naman nila, iyang Zoe ay itinatag bilang isang religious television station. Ngayong ginagamit pa nila iyon na parang isang commercial broadcasting station dahil sa mga show ng ABS-CBN na nagbabayad ng blocktime, paano na ang kanilang taxes?
Ipinasisilip din nila sa NTC kung pinapayagan nga ba ang mga religious TV stations na mag-broadcast ng commercial shows. Ganyan din ang franchise ng UNTV ng Dating Daan, at Sonshine Network ni Pastor Apollo Quiboloy. Ano kaya ang kalalabasan ng imbestigasyong iyan?
Ed de Leon