Saturday , November 16 2024

Bayanihan 2 dapat isakatuparan na — Sen. Bong Go

HINIMOK, kasunod ng panawagan ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go ang Executive Department na tiyakin ang mas pinalakas na whole-of-goverment approach sa pagpapatupad ng iba’t ibang hakbang sa ilalim ng Republic Act No. 1194 o ang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Sinabi ni Go, mahalagang malinaw sa mga ahensiya ng gobyerno ang mga responsibilidad at mandato nilang gagawin lalo ngayong may krisis dahil sa CoVid-19.

Ayon kay Go, tulad ng palaging paalala ni Pangulong Rodrigo Duterte, dapat may isang salita ang mga ahensiya lalo’t tiwala at buhay ng taong bayan ang nakasalalay sa mga serbisyong ipinangako.

Binigyang diin ni Go na nakikita niya ang sitwasyon ng mga kababayan tuwing namimigay sila ng immediate assistance at totoong hindi madali ang pinagdaraanan ng marami.

Ito aniya ang dahilan kaya palagi niyang kinakalampag at ipinapaalala sa mga ahensiya ng gobyerno na aksiyonan at solusyonan ang mga problema sa pamamagitan ng bayanihan.

Matatandaan na mayroong 21 government agencies sa recovery process ng bansa isa rito ang Department of Health (DOH) na nangunguna sa CoVid-19 response ng bansa; nariyan ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga programang aalalay sa mga nawalan ng trabaho; Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa protection programs; PhilHealth para sa availability at access ng coverage para sa CoVid-19.

Maliban dito, kasama rin ang DTI na umaalalay sa pagpapalawig ng mga programa para sa komersiyo lalo sa online platforms.

Giit ni Go, dapat ibigay kung ano ang ipinangako sa mga kababayan para makaagapay sa napakahirap nilang sitwasyon sa ngayon.

(NIÑO ACLAN)

About Hataw Tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *