Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
knife saksak

Binatilyong inireklamo ng pananaksak, itinumba sa barangay hall

PATAY ang isang binatilyo nang pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang mga suspek sa Barangay 56, Zone 5, Tondo, Maynila nitong Miyerkoles.

Kinilala ang biktima na si Deejay Cabilin, 14 anyos.

Sa CCTV, makikitang nakaupo ang biktimang si Cabilin kasama ang isang grupo sa covered court sa tabi ng barangay hall, 11:00 pm nang dumating ang dalawang lalaking lulan ng motorsiklo.

Bumaba ang angkas at nilapitan si Cabilin saka ito pinagbabaril.

Nakatayo ang binatilyo at tumakbo papunta sa likod ng nakaparadang SUV pero binawian din ng buhay dahil sa mga tama ng bala sa ulo.

Sugatan din ang isang 16-anyos na babaeng pamangkin ni Cabilin na nadamay sa pamamaril.

Sa ulat, nasa barangay hall ang binatilyo nang mga oras na iyon nang ireklamo ng pananaksak umano sa isa pang menor de edad sa isang computer shop sa kabilang barangay.

Nangyari ang pamamaril habang hinihintay nilang dumating ang nagrereklamong pamilya.

Inaalam pa kung may kaugnayan ang pamamaslang kay Cabilin sa nangyaring saksakan.

Ayon kay Police Capt. Henry Navarro, hepe ng MPD Homicide Section, hindi nila mahagilap ang tatay na nagreklamo kay Cabilin nang puntahan ng mga pulis para sa follow-up.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …