SUGATAN ang isang lalaki matapos sakmalin ng buwaya, sa bayan ng Balabac, lalawigan ng Palawan, nitong Miyerkoles, 21 Oktubre.
Kinilala ang biktima na si Jomarie “Awal” Diaz, 26 anyos, dinala sa Balabac Rural Health Unit dakong 10:00 am kahapon upang malapatan ng paunang lunas dahil sa mga sugat sa kaliwang hita at kamay.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Maritime Special Operation Unit, nakita si Diaz sa lugar ng mga nipa sa Barangay 6, sa naturang bayan.
Ayon sa kapitan ng barangay, mataas umano ang tubig kaya maaaring nangunguha ng kamaron o hipon si Diaz.
Hindi rin umano kaila sa mga residente na ang lugar ay pinamamahayan ng buwaya o saltwater crocodile.
“May inilagay na rin po roon na poster ang PCSD (Palawan Council for Sustainable Staff). At kapag may assembly po kami ay paulit-ulit na lang ‘yan na babala po sa kanila na mag-ingat. Pero may iba po kasi na parang nasanay na lang na pumupunta pa rin sa dagat. Kapag nakita naman namin, sinisita, lalo na ‘yung mga bata,” ani barangay chairman Rosenah Ami.
Samantala, hinihintay pa ang magiging desisyon ng lokal na pamahalaan ng Balacbac upang maideklarang crocodile sanctuary ang ilang lugar na may mga sighting ng buwaya.