TULOY-TULOY na ang pagbaba ng aktibong kaso ng coronavirus disease o CoVid-19 sa lungsod ng Parañaque base sa mga researcher mula sa University of the Philippines (UP) na sumusubaybay sa pandemya.
Kamakalawa naitala ng OCTA Research Team mula sa Paranaque ang 199 active cases katumbas tatlong porsiyento.
Hindi rin kasali ang Parañaque sa mga tinukoy na high-risk areas sa CoVid-19 sa Metro Manila.
“For six straight weeks, OCTA research group has observed a significant decline in the average new daily CoVid-19 cases in the city,” ani Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.
Mula sa 766 active cases noong 1 Setyembre, ang mga kaso ay bumaba sa 199 sa linggong ito o 567 mga pasyente ang umuwi matapos nilang makita na negatibo sa kinakatakutang sakit.
Isa rin sa may pinakamababang ranggo sa daily attack rate ang Parañaque sa Metro Manila.
Ang mga natukoy ng OCTA Research Team bilang top high risk areas ang Makati, Baguio, Mandaluyong, at Lucena dahil sa pagtaas ng average new cases kada araw at critical care occupancy na 69% pataas.
Batay sa pinakahuling ulat, ang Makati ang nanguna sa listahan na may 59 CoVid-19 cases sa bawat araw at 10% attack rate mula 11-17 Oktubre, na naglagay sa critical care occupancy sa 79% nitong 16 Okubre.
Nabatid na ang safe level ng attack rate ay 7%.
Sa Metro Manila cities na may mataas na new cases ay Quezon City, Maynila, Pasig, Taguig, at Caloocan, habang ang high-risk areas dahil sa high case load at high attack rate kabilang ang Pasig, Makati, Pasay, Mandaluyong, Marikina, at Valenzuela.
Sa ulat ng Parañaque Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) nitong 20 Okubre, may kabuuang 6,548 ang confirmed cases, ang recoveries ay nasa 6,184 (94.4%), at deaths ay nasa 165 (2.5%).
Unang pinuri ni Secretary Carlito Galvez, CoVid-19 chief implementer, ang Parañaque bilang “model city” dahil sa agresibo at sistematikong pagtugon nito sa paglaban sa pagkalat ng nakamamatay na sakit. (JAJA GARCIA)